Dumalo ngayong araw, Hulyo 17, 2026, ang mga kinatawan ng 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦), kabilang ang ating Punongguro, 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗜𝗩, mga Ulongguro ng Kagawaran, 𝘽𝙞𝙙𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝘼𝙬𝙖𝙧𝙙𝙨 𝘾𝙤𝙢𝙢𝙞𝙩𝙩𝙚𝙚 (𝘽𝘼𝘾), 𝙏𝙚𝙘𝙝𝙣𝙞𝙘𝙖𝙡 𝙒𝙤𝙧𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙂𝙧𝙤𝙪𝙥 (𝙏𝙒𝙂), 𝙖𝙩 𝙄𝙣𝙨𝙥𝙚𝙘𝙩𝙤𝙧𝙖𝙩𝙚 𝙏𝙚𝙖𝙢, sa seminar na ginanap sa 𝗛𝗼𝘁𝗲𝗹 𝗖𝗮𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼, 𝗧𝗮𝗴𝗮𝘆𝘁𝗮𝘆 𝗖𝗶𝘁𝘆.
Tinalakay sa seminar ang paksang “𝗡𝗮𝘃𝗶𝗴𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼. 𝟭𝟮𝟬𝟬𝟵, 𝗢𝘁𝗵𝗲𝗿𝘄𝗶𝘀𝗲 𝗞𝗻𝗼𝘄𝗻 𝗮𝘀 𝘁𝗵𝗲 𝗡𝗲𝘄 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗰𝘂𝗿𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗰𝘁 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗜𝗺𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗚𝗲𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝗔𝗗) 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝘀, 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁𝘀, 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 (𝗣𝗣𝗔𝘀)”.
Bilang bahagi ng programa, ibinahagi ni 𝗚. 𝗥𝗶𝗰𝗵𝗮𝗿𝗱 𝗣. 𝗗𝘂𝗾𝘂𝗲, Administrative Officer IV – Procurement, ang mahahalagang probisyon, binagong mga patakaran sa pamamahala, at mga legal na pagbabago kaugnay ng 𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼. 𝟭𝟮𝟬𝟬𝟵. Samantala, tinalakay naman ni 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗔𝗯𝗵𝗿𝗮𝗺 𝗣. 𝗖𝗼𝗹𝗼𝗰𝗮𝗱𝗼, Engineer III, ang 𝗦𝘁𝗿𝗮𝘁𝗲𝗴𝗶𝗰 𝗣𝗿𝗼𝗰𝘂𝗿𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗻𝗱𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁 𝗦𝗰𝗼𝗽𝗶𝗻𝗴 bilang mahahalagang hakbang sa mas maayos na proseso ng procurement.

Nagbigay rin ng technical assistance si 𝗚𝗻𝗴. 𝗔𝗿𝗹𝗲𝗻𝗲 𝗠. 𝗛𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗱𝗲𝘇, Public Schools District Supervisor ng Cluster 9, upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga kalahok sa wastong pagpapatupad ng mga probisyon ng batas.
Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, patuloy na pinauunlad ng GFMINHS ang kakayahan ng mga kawani sa pagsunod sa mga umiiral na polisiya at proseso ng pamahalaan, bilang bahagi ng pagsusulong ng mahusay at responsableng paglilingkod.
