Binigyang-diin ng pamunuan ng 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦)ang patuloy na pagpapatupad ng 𝘪𝘯𝘴𝘵𝘳𝘶𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘣𝘭𝘰𝘤𝘬 kasabay ng paghahanda ng paaralan para sa mga nalalapit na kompetisyon sa isinagawang 𝘧𝘭𝘢𝘨 𝘤𝘦𝘳𝘦𝘮𝘰𝘯𝘺 nitong umaga, Hulyo 20, 2026.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗜𝗩, na hindi magiging hadlang ang paghahanda para sa 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲 (𝗗𝗦𝗣𝗖), 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝗼𝗳 𝗧𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁𝘀, 𝗮𝘁 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗲𝘁 sa tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.
Samantala, pinanood ng mga mag-aaral ang isang maikling video tungkol sa wastong paghuhugas ng kamay na inihanda ng 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗥𝗲𝗱 𝗖𝗿𝗼𝘀𝘀 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 (𝗦𝗥𝗖𝗬𝗖)) bilang bahagi ng kampanya sa kalinisan at pangangalaga sa kalusugan.

Ginawaran din ng sertipiko ang ilang mag-aaral bilang pagkilala sa kanilang mabuting pag-uugali sa ilalim ng proyektong “𝗚𝗮𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗞𝗮𝗺𝗶 𝘀𝗮 𝗚𝗼𝘃 𝗠𝗮𝗶𝗻 (𝗠𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗔𝘀𝗮𝗹 𝗜𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗡𝗮𝗺𝗶𝗻),” na naglalayong higit pang palakasin ang disiplina at pagpapahalaga sa mabuting asal sa loob ng paaralan.
