Sa ginanap na Flag Ceremony ngayong Agosto 24, 2026, binigyang-diin ni ๐๐ซ. ๐๐๐ซ๐ค ๐๐ข๐ซ๐จ๐ง ๐. ๐๐ซ๐๐ฎ๐ฌ, ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐, ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng mga nagdaang suspensiyon ng klase.

Ipinaliwanag niya na bagamaโt ilang linggo ang nagdaan na walang face-to-face classes, nagpapatuloy pa rin ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng ๐๐๐ป๐ฐ๐ต๐ฟ๐ผ๐ป๐ผ๐๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐๐๐ป๐ฐ๐ต๐ฟ๐ผ๐ป๐ผ๐๐ ๐น๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด. May mga nakatakdang asignatura para sa pagsasagawa ng online classes sa bawat araw ng suspensiyon upang matiyak na tuloy-tuloy ang pagkatuto kahit nasa kani-kanilang tahanan ang mga mag-aaral.
Pinaalalahanan din ng punongguro ang lahat na maghanda para sa nalalapit na Pagsusulit sa Unang Termino at panatilihin ang pagiging responsable sa kanilang pag-aaral.
Binigyang-diin din niya ang mahigpit na pagbabawal sa pagdadala sa paaralan ng mga bagay na hindi nararapat dalhin, lalo na ang mga maaaring makapanakit ng kapwa at magdulot ng karahasan. Kasabay nito, ipinaalala niya na ang bawat mag-aaral ay may kani-kaniyang kakayahan at kahinaan. Sa GFMINHS, bawat mag-aaral ay tinatanggap, nirerespeto, at inaalagaan.

Samantala, kinilala rin sa programa ang mga mag-aaral at gurong nanguna sa paggamit ng silid-aklatan, sa pangunguna ni ๐๐ป๐ด. ๐๐ป๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ ๐ค. ๐๐๐ถ๐น๐ฒ๐, ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐๐ถ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป ๐๐๐, bilang pagkilala sa kanilang pagpapahalaga sa pagbabasa at paggamit ng mga kagamitang pampagkatuto.

Nagbigay rin ng kamalayan ang ๐ฅ๐ฒ๐ฑ ๐๐ฟ๐ผ๐๐ ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น (๐ฅ๐๐ฌ๐) tungkol sa wastong mga hakbang na dapat gawin kapag nakararanas ng hyperventilation. Isinagawa ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng isang maikling video na naglalayong magbigay ng mahalagang kaalaman at gabay sa mga mag-aaral.

Nagbigay naman ng Munting Trivia para sa buong paaralan ang Kagawaran ng Filipino, sa pangunguna ng Ulongguro na si ๐๐ป๐ด. ๐ฆ๐ต๐ถ๐ฟ๐น๐ฒ๐ ๐. ๐๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ถ๐ฎ, ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ ๐ง๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฟ ๐๐๐ na naghatid ng dagdag-kaalaman at masayang pakikilahok sa programa.
Sa ๐๐๐ ๐๐ก๐๐ฆ, patuloy na isinusulong ang pagkatuto, disiplina, kaligtasan, at paggalangโsa loob man o labas ng silid-aralan.



