𝐂𝐎𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐀𝐑𝐀𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐋𝐈𝐏𝐔𝐍𝐀𝐍 𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇𝐄𝐑𝐒

Ang Kagawaran ng Araling Panlipunan, sa pangunguna ni 𝐆𝐧𝐠. 𝐉𝐨𝐜𝐞𝐥𝐲𝐧 𝐆. 𝐋𝐚𝐱𝐚𝐦𝐚𝐧𝐚, Ulong Guro VI, at sa patnubay ng ating Punong Guro IV, 𝐃𝐫. 𝐌𝐚𝐫𝐤 𝐀𝐢𝐫𝐨𝐧 𝐏. 𝐂𝐫𝐞𝐮𝐬, ay matagumpay na nagsagawa ng Pang-𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐚𝐦𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐢𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐜𝐮𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 na nakatuon sa 𝐑𝐞𝐯𝐢𝐬𝐞𝐝 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞𝐬 𝟗 𝐚𝐧𝐝 𝟏𝟎 𝐂𝐮𝐫𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐮𝐦.

Isinagawa ang naturang pagpupulong noong 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔 sa pamamagitan ng 𝐆𝐨𝐨𝐠𝐥𝐞 𝐌𝐞𝐞𝐭 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝟗:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟏:𝟐𝟎 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧. Pinangunahan ni Gng. Laxamana ang talakayan sa mahahalagang usaping pang-akademiko at pang-organisasyon, kabilang ang paghahanda para sa 𝐓𝐞𝐫𝐦 𝟏 𝐄𝐱𝐚𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, mga plano para sa 𝐄𝐧𝐝-𝐨𝐟-𝐓𝐞𝐫𝐦 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬, pagdiriwang ng 𝐇𝐢𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝐚𝐭 𝐀𝐒𝐄𝐀𝐍 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡, 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐞𝐬𝐭𝐢𝐯𝐚𝐥 𝐨𝐟 𝐓𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐬 (𝐃𝐅𝐎𝐓) 𝐬𝐚 𝐀𝐫𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧, at iba pang mahahalagang programa ng kagawaran.

Kasunod ng coordination meeting ay isinagawa ang 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐢𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐜𝐮𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 na naglalayong higit na palalimin ang pang-unawa ng mga guro sa implementasyon ng 𝑹𝒆𝒗𝒊𝒔𝒆𝒅 𝑲-𝟏𝟐 𝑪𝒖𝒓𝒓𝒊𝒄𝒖𝒍𝒖𝒎. Pinangunahan ito ni 𝐆𝐧𝐠. 𝐀𝐧𝐚𝐥𝐢𝐧𝐝𝐚 𝐃. 𝐋𝐚𝐠𝐚𝐧𝐳𝐨, Teacher III, sa pagtalakay ng mahahalagang pagbabago sa kasalukuyang kurikulum.

Sinundan ito ng pagbabahagi ni 𝐆𝐧𝐠. 𝐑𝐡𝐮𝐝𝐞𝐥𝐞𝐧𝐞 𝐏. 𝐂𝐚𝐦𝐮𝐭𝐢𝐧, Master Teacher I, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng unpacking ng mga Big Ideas bilang batayan sa pagbuo ng mga layunin at nilalaman ng mga lesson plan sa ilalim ng temang “𝘾𝙪𝙧𝙧𝙞𝙘𝙪𝙡𝙪𝙢 𝘿𝙚𝙚𝙥 𝘿𝙧𝙞𝙫𝙚: 𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙣𝙖𝙡𝙞𝙯𝙞𝙣𝙜 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 𝙇𝙚𝙫𝙚𝙡 𝙇𝙚𝙖𝙧𝙣𝙞𝙣𝙜 𝘼𝙧𝙚𝙖.”

Bilang pangwakas, nagbigay ng makabuluhang talakayan si 𝐆𝐧𝐠. 𝐄𝐦𝐞𝐥𝐲𝐧 𝐅. 𝐐𝐮𝐢𝐭𝐚𝐫𝐚, Teacher III, hinggil sa temang “𝑺𝒆𝒍𝒆𝒄𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑨𝒑𝒑𝒓𝒐𝒑𝒓𝒊𝒂𝒕𝒆 𝑻𝒆𝒂𝒄𝒉𝒊𝒏𝒈 𝑺𝒕𝒓𝒂𝒕𝒆𝒈𝒊𝒆𝒔 𝒇𝒐𝒓 𝑶𝒑𝒕𝒊𝒎𝒂𝒍 𝑳𝒆𝒂𝒓𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒅 𝑨𝒔𝒔𝒆𝒔𝒔𝒊𝒏𝒈 𝑳𝒆𝒂𝒓𝒏𝒊𝒏𝒈,” na nakatuon sa pagpili ng mga angkop na estratehiya sa pagtuturo at pagtataya upang higit na mapabuti ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, patuloy na pinagtitibay ng Kagawaran ng Araling Panlipunan ang 𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚 𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐥𝐚𝐛𝐨𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐩𝐫𝐨𝐩𝐞𝐬𝐲𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝, 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐮𝐭𝐮𝐫𝐨 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐢𝐲𝐚𝐤 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐞-𝐤𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐞𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥.

#revisedcurriculum

#collaborationandproductivity

#QualityEducation

#IbaSaGovIbaAngGov

#TatakFerrerYan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *