๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐Ÿ’๐Ÿ’ ๐ง๐š ๐“๐š๐จ๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ค๐š๐›๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ก๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐ง๐ข ๐๐ข๐ฌ๐ž ๐€๐ฅ๐ค๐š๐ฅ๐๐ž ๐‰๐จ๐ง๐š๐ฌ ๐†๐ฅ๐ฒ๐ง ๐. ๐‹๐š๐›๐ฎ๐ ๐ฎ๐ž๐ง

Buong-pusong nakiisa ang pamilya ng ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐…๐ž๐ซ๐ซ๐ž๐ซ ๐Œ๐ž๐ฆ๐จ๐ซ๐ข๐š๐ฅ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ (๐†๐…๐Œ๐ˆ๐๐‡๐’) at ng ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐๐ž๐ž๐๐ฌ ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง (๐’๐๐„๐ƒ) sa pagdiriwang ng ika-44 na kaarawan ni ๐Š๐ ๐ . ๐‰๐จ๐ง๐š๐ฌ ๐†๐ฅ๐ฒ๐ง๐ง ๐. ๐‹๐š๐›๐ฎ๐ ๐ฎ๐ž๐ง, Bise Alkalde ng Lungsod ng General Trias, noong Lunes, ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, sa 3rd Floor Administration Building ng paaralan.

Naging makabuluhan ang pagdiriwang bilang pasasalamat sa Panginoong Maykapal sa panibagong taon ng buhay ni Vice Mayor Labuguen, gayundin sa patuloy niyang paglilingkod at pagpapakita ng malasakit sa mga mamamayan ng lungsod.

Bilang bahagi ng kanyang pasasalamat, namahagi si Vice Mayor Labuguen ng mga munting regalo sa mga mag-aaral ng SNED, na naghatid ng saya at matatamis na ngiti sa mga benepisyaryo.

Nakiisa sa pagdiriwang sina Schools Division Superintendent ๐ƒ๐ซ. ๐ˆ๐ฏ๐š๐ง ๐๐ซ๐ข๐š๐ง ๐‹. ๐ˆ๐ง๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ, ๐‚๐„๐’๐Ž ๐•๐ˆ, Education Program Supervisor for Special Needs Education, Ms. Annie Maraan, at Public Schools District Supervisor for Cluster 9, Ms Arlene M. Hernandez. Pinangunahan naman ni Dr. Mark Airon P. Creus, Principal IV, ang pamilya ng GFMINHS, katuwang ang mga ulongguro at gurong tagapayo ng SNED.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang, kapansin-pansin ang masasayang ngiti at taos-pusong pasasalamat ng mga mag-aaral, guro, at panauhin.

Higit pa sa isang pagdiriwang ng kaarawan, naging tampok sa okasyon ang buhay, pagbabahagi, at paglilingkodโ€”isang paalala na ang mga biyayang natatanggap ay higit na nagiging makahulugan kapag ito ay ibinabahagi sa kapwa.

Maligayang ika-44 na kaarawan, Vice Mayor Jonas! Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon at pagkalooban ng lakas upang ipagpatuloy ang inyong makabuluhang paglilingkod sa Lungsod ng General Trias.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *