𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐅𝐄𝐑𝐑𝐄𝐑𝐈𝐀𝐍𝐒 | 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐊𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaligtasan sa loob ng paaralan, namahagi ang 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐅𝐞𝐫𝐫𝐞𝐫 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 (𝐆𝐅𝐌𝐈𝐍𝐇𝐒) ng mga 𝒉𝒂𝒓𝒅 𝒉𝒂𝒕 sa mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 10.

Higit pa sa isang kagamitang pangkaligtasan, ang bawat 𝒉𝒂𝒓𝒅 𝒉𝒂𝒕 ay sumasalamin sa sama-samang adhikain ng paaralan na maprotektahan ang bawat Ferrerian at mapanatili ang isang ligtas, maayos, at handang kapaligiran sa pagkatuto.

Sa pangunguna ni 𝐃𝐫. 𝐌𝐚𝐫𝐤 𝐀𝐢𝐫𝐨𝐧 𝐏. 𝐂𝐫𝐞𝐮𝐬, Punongguro IV, patuloy na isinusulong ng GFMINHS ang mga inisyatibong naglalayong pangalagaan ang kapakanan ng bawat mag-aaral at isabuhay ang kultura ng kahandaan at kaligtasan sa loob ng paaralan.

#LigtasNaFerrerians

#SafetyFirst

#SafeLearningEnvironment

#IbaSaGovIbaAngGov

#TatakFERRERIANS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *