𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬, 𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡, 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡-𝗗𝗜𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 𝗡𝗚 𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦

Sa isinagawang 𝗙𝗹𝗮𝗴 𝗖𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 ngayong umaga, 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼 𝟮𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟲, kinilala ng 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦) ang mga mag-aaral na nagwagi sa katatapos na 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟲 at sa pagdiriwang ng 𝗜𝗸𝗮-𝟰𝟴 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗧𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗞𝗮𝗽𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗮𝗻 (𝙉𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝘿𝙞𝙨𝙖𝙗𝙞𝙡𝙞𝙩𝙮 𝙒𝙚𝙚𝙠) . Tampok din sa programa ang mga 𝘪𝘯𝘧𝘰𝘳𝘮𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘥𝘳𝘪𝘷𝘦 at mahahalagang paalala ukol sa kalusugan, kaligtasan, at responsableng paggamit ng 𝘴𝘰𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘮𝘦𝘥𝘪𝘢.

Bilang bahagi ng programa, pinarangalan ang mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan sa iba’t ibang kompetisyon sa 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗠𝗲𝗲𝘁 bilang pagkilala sa kanilang husay, dedikasyon, disiplina, at tunay na diwa ng 𝘴𝘱𝘰𝘳𝘵𝘴𝘮𝘢𝘯𝘴𝘩𝘪𝘱 sa larangan ng palakasan.

Nagbahagi rin ng 𝘪𝘯𝘧𝘰𝘳𝘮𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘥𝘳𝘪𝘷𝘦 ang 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗥𝗲𝗱 𝗖𝗿𝗼𝘀𝘀 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 ng paaralan tungkol sa kahalagahan ng pag-inom ng malinis at ligtas na tubig bilang isa sa mga pangunahing hakbang sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan at pag-iwas sa mga sakit.

Samantala, nagbigay ng mahahalagang paalala si 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴𝗴𝘂𝗿𝗼 𝗜𝗩, hinggil sa responsableng paggamit ng 𝘴𝘰𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘮𝘦𝘥𝘪𝘢. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng hindi pagpapakalat ng mga hindi pa beripikadong impormasyon, masusing pagsusuri sa pinagmumulan ng mga ipinadadalang mensahe, at pagsunod sa tamang proseso ng pag-uulat ng anumang banta o paglabag upang mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at kapanatagan sa loob ng paaralan.

Sa pamamagitan ng pagkilala sa mga tagumpay ng mga mag-aaral at ng patuloy na pagsusulong ng mga programang pangkalusugan at pangkaligtasan, muling pinagtibay ng GFMINHS ang pangako nitong humubog ng mga Ferrerian na responsable, disiplinado, mapanuri, at may malasakit sa kapakanan ng kapwa at ng buong pamayanan ng paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *