Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga hakbang sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan sa loob ng paaralan, nagsagawa ngayong umaga, Hulyo 27, 2026, ang 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐅𝐞𝐫𝐫𝐞𝐫 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 (𝐆𝐅𝐌𝐈𝐍𝐇𝐒) ng random bag inspection sa mga mag-aaral.
Sa isinagawang inspeksyon, isa-isang ipinabukas ng mga guro ang mga bag ng kanilang mga mag-aaral upang masiguro na walang ipinapasok na anumang ipinagbabawal o mapanganib na kagamitan sa loob ng paaralan.
Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang isang ligtas, maayos, at disiplinadong kapaligiran para sa lahat ng mga mag-aaral, guro, at kawani. Isinagawa rin ang inspeksyon nang may paggalang sa karapatan at dignidad ng bawat mag-aaral, alinsunod sa umiiral na mga patakaran ng Department of Education (DepEd).

Patuloy na hinihikayat ng paaralan ang kooperasyon ng mga magulang, mag-aaral, at iba pang stakeholder sa pagsusulong ng kultura ng kaligtasan at responsableng pag-uugali sa loob ng ating paaralan.



