𝐅𝐥𝐚𝐠 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲: 𝐁𝐚𝐰𝐚𝐥 𝐁𝐚𝐬𝐭𝐨𝐬 𝐋𝐚𝐰, 𝐓𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐲; 𝐓𝐨𝐩 𝐋𝐢𝐛𝐫𝐚𝐫𝐲 𝐔𝐬𝐞𝐫𝐬, 𝐊𝐢𝐧𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚

Binigyang-diin ni 𝑫𝒓. 𝑴𝒂𝒓𝒌 𝑨𝒊𝒓𝒐𝒏 𝑷. 𝑪𝒓𝒆𝒖𝒔, 𝑃𝑟𝑖𝑛𝑐𝑖𝑝𝑎𝑙 𝐼𝑉, ang kahalagahan ng paggalang at pagprotekta sa dignidad ng bawat isa sa kanyang mensahe sa isinagawang 𝘍𝘭𝘢𝘨 𝘊𝘦𝘳𝘦𝘮𝘰𝘯𝘺 ngayong araw sa 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦).

Ibinahagi ng Punongguro ang 𝙍𝙚𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙘 𝘼𝙘𝙩 𝙉𝙤. 𝟏𝟏𝟑𝟏𝟑 𝙤 𝙎𝙖𝙛𝙚 𝙎𝙥𝙖𝙘𝙚𝙨 𝘼𝙘𝙩, na mas kilala bilang 𝗕𝗮𝘄𝗮𝗹 𝗕𝗮𝘀𝘁𝗼𝘀 𝗟𝗮𝘄. Ipinaalala niya na hindi pinahihintulutan ng paaralan ang anumang uri ng pambabastos o pang-aabuso sa sinumang bahagi ng komunidad, maging mag-aaral, guro, kawani, mga magulang o maging ang Punongguro. Binigyang-diin din niya na ang bawat isa ay may sariling espasyo na nararapat igalang at protektahan.

“𝙄𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙩 𝙥𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙩𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙚𝙨𝙥𝙖𝙨𝙮𝙤 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙞𝙨𝙖.” Ito ang paalala na inaasahang isabuhay ng bawat miyembro ng komunidad ng GFMINHS.

Top Borrower, and Users receive Certificate of Recognition during the Flag Ceremony

Kasabay ng programa, kinilala rin ang mga mag-aaral na nanguna sa paggamit ng aklatan. Pinangunahan ni 𝙂𝙣𝙜. 𝘼𝙣𝙣𝙖𝙡𝙞𝙯𝙖 𝙌. 𝘼𝙫𝙞𝙡𝙚𝙨, 𝑆𝑐ℎ𝑜𝑜𝑙 𝐿𝑖𝑏𝑟𝑎𝑟𝑖𝑎𝑛 𝐼𝐼𝐼, ang paggawad ng mga parangal bilang pagkilala sa kanilang kasipagan at patuloy na pagmamahal sa pagbabasa.

𝑻𝒐𝒑 𝑩𝒐𝒐𝒌 𝑩𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘𝒆𝒓

•𝙃𝙖𝙮𝙖𝙝 𝙋. 𝙃𝙖𝙧𝙧𝙞𝙙 – Grade 9-Lukban

𝑻𝒐𝒑 𝑳𝒊𝒃𝒓𝒂𝒓𝒚 𝑼𝒔𝒆𝒓𝒔

•𝙅𝙖𝙣 𝘿𝙖𝙣𝙞𝙚𝙡 𝘼𝙘𝙚 𝙍. 𝙂𝙖𝙮𝙖𝙨 – Grade 7-Newton

•𝙎𝙚𝙗 𝙀𝙡𝙚𝙖𝙯𝙖𝙧 𝘽. 𝘼𝙗𝙧𝙞𝙡 – Grade 10-Pythagoras

𝑾𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒉𝒆 𝑯𝒊𝒈𝒉𝒆𝒔𝒕 𝑵𝒖𝒎𝒃𝒆𝒓 𝒐𝒇 𝑳𝒊𝒃𝒓𝒂𝒓𝒚 𝑼𝒔𝒆𝒓𝒔

•𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 𝟕-𝘼𝙧𝙘𝙝𝙞𝙢𝙚𝙙𝙚𝙨

Binabati ng buong komunidad ng GFMINHS ang ating mga awardees! Nawa’y patuloy silang magsilbing inspirasyon sa kanilang mga kapwa mag-aaral na linangin ang kultura ng pagbabasa at, higit sa lahat, isabuhay ang paggalang at pagrespeto sa bawat isa.

#BawalBastosLaw#GFMINHS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *