Buong-pusong nakiisa ang pamilya ng ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐ ๐๐ซ๐ซ๐๐ซ ๐๐๐ฆ๐จ๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐ง๐ญ๐๐ ๐ซ๐๐ญ๐๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ (๐๐ ๐๐๐๐๐) at ng ๐๐ฉ๐๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐๐๐ฌ ๐๐๐ฎ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง (๐๐๐๐) sa pagdiriwang ng ika-44 na kaarawan ni ๐๐ ๐ . ๐๐จ๐ง๐๐ฌ ๐๐ฅ๐ฒ๐ง๐ง ๐. ๐๐๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐๐ง, Bise Alkalde ng Lungsod ng General Trias, noong Lunes, ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐, sa 3rd Floor Administration Building ng paaralan.
Naging makabuluhan ang pagdiriwang bilang pasasalamat sa Panginoong Maykapal sa panibagong taon ng buhay ni Vice Mayor Labuguen, gayundin sa patuloy niyang paglilingkod at pagpapakita ng malasakit sa mga mamamayan ng lungsod.
Bilang bahagi ng kanyang pasasalamat, namahagi si Vice Mayor Labuguen ng mga munting regalo sa mga mag-aaral ng SNED, na naghatid ng saya at matatamis na ngiti sa mga benepisyaryo.

Nakiisa sa pagdiriwang sina Schools Division Superintendent ๐๐ซ. ๐๐ฏ๐๐ง ๐๐ซ๐ข๐๐ง ๐. ๐๐ง๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐จ, ๐๐๐๐ ๐๐, Education Program Supervisor for Special Needs Education, Ms. Annie Maraan, at Public Schools District Supervisor for Cluster 9, Ms Arlene M. Hernandez. Pinangunahan naman ni Dr. Mark Airon P. Creus, Principal IV, ang pamilya ng GFMINHS, katuwang ang mga ulongguro at gurong tagapayo ng SNED.
Sa pagtatapos ng pagdiriwang, kapansin-pansin ang masasayang ngiti at taos-pusong pasasalamat ng mga mag-aaral, guro, at panauhin.
Higit pa sa isang pagdiriwang ng kaarawan, naging tampok sa okasyon ang buhay, pagbabahagi, at paglilingkodโisang paalala na ang mga biyayang natatanggap ay higit na nagiging makahulugan kapag ito ay ibinabahagi sa kapwa.
Maligayang ika-44 na kaarawan, Vice Mayor Jonas! Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon at pagkalooban ng lakas upang ipagpatuloy ang inyong makabuluhang paglilingkod sa Lungsod ng General Trias.



