𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗗𝗘𝗦𝗦𝗔 𝗣𝗿𝗲-𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗜𝘀𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝘀𝗮 𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦

Latest Comments

No comments to show.

𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗧𝗥𝗜𝗔𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗖𝗮𝘃𝗶𝘁𝗲 — Isinagawa ang unang araw ng 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗿𝗲𝘂𝘅 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗦𝘁𝗿𝗲𝗻𝗴𝘁𝗵𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗘𝗦𝗦𝗔) 𝗣𝗿𝗲-𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 para sa mga piling mag-aaral mula 𝗚𝗿𝗮𝗱𝗲 𝟳 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗿𝗮𝗱𝗲 𝟭𝟬 sa 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦).

Isinagawa ang assessment sa 𝗜𝗖𝗧 𝗟𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗮𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗽𝘂𝘁𝗲𝗿 𝗟𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆 ng paaralan upang makalap ang mahahalagang impormasyong hinggil sa 𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹-𝗲𝗺𝗼𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗱𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 ng mga mag-aaral.

Pinangasiwaan nina 𝗚𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗮 𝗟𝗮𝗻𝗼𝗿𝗶𝗼, 𝘎𝘶𝘪𝘥𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘊𝘰𝘶𝘯𝘴𝘦𝘭𝘰𝘳 𝘐𝘐𝘐, at 𝗕𝗯. 𝗥𝗼𝘅𝗲𝘁𝘁𝗲 𝗕. 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗼𝗻, 𝘎𝘶𝘪𝘥𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘋𝘦𝘴𝘪𝘨𝘯𝘢𝘵𝘦, ang pag-administer ng assessment sa mga mag-aaral.

Layunin ng DESSA Pre-Assessment na matukoy ang mga kalakasan at pangangailangan ng mga mag-aaral sa aspektong panlipunan at emosyonal, na maaaring magsilbing batayan sa pagbibigay ng angkop na suporta at mga programang tutugon sa kanilang kabuuang pag-unlad.

Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝘗𝘳𝘪𝘯𝘤𝘪𝘱𝘢𝘭 𝘐𝘝, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng GFMINHS na maisulong ang kapakanan at holistic development ng bawat Ferrerian learner.

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *