Matagumpay na isinagawa ng 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦) ang 𝗖𝗹𝗼𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 para sa mga mag-aaral ng 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 noong 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟲, sa 𝗖𝗼𝘃𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘁 ng paaralan, sa pangunguna ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝘗𝘳𝘪𝘯𝘤𝘪𝘱𝘢𝘭 𝘐𝘝.
Bahagi ng programa ang pagdiriwang ng 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝘀𝘁𝗶𝗰𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 na may temang “𝗧𝘂𝗸𝗹𝗮𝘀 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀: 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝘀𝘁𝗶𝗰𝘀 𝗮𝘀 𝗕𝗲𝗮𝗰𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀 𝗜𝗻𝗰𝗹𝘂𝘀𝗶𝘃𝗲, 𝗥𝗲𝘀𝗶𝗹𝗶𝗲𝗻𝘁, 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝘂𝘀𝘁𝗮𝗶𝗻𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺.” Tampok sa gawain ang pagkilala sa husay at pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa iba’t ibang paligsahan, kabilang ang 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝘀𝘁𝗶𝗰𝘀 𝗤𝘂𝗶𝘇 𝗕𝗲𝗲, 𝗣𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝘀𝘁, at iba pang gawaing pang-akademiko.

Nagbahagi rin ng kaalaman si 𝗚. 𝗔𝗱𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗦𝗶𝗺𝗼𝗻 𝗧. 𝗝𝗮𝗹𝗶𝗺𝗮𝗼, isang kasalukuyang mag-aaral ng 𝘉𝘢𝘤𝘩𝘦𝘭𝘰𝘳 𝘰𝘧 𝘚𝘦𝘤𝘰𝘯𝘥𝘢𝘳𝘺 𝘌𝘥𝘶𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘮𝘢𝘫𝘰𝘳 𝘪𝘯 𝘔𝘢𝘵𝘩𝘦𝘮𝘢𝘵𝘪𝘤𝘴 (𝘉𝘚𝘌-𝘔𝘢𝘵𝘩𝘦𝘮𝘢𝘵𝘪𝘤𝘴), na nagsilbing tagapagsalita ng gawain. Tinalakay niya ang kahalagahan ng estadistika sa pang-araw-araw na buhay, na higit pa sa paglutas ng mga suliraning matematikal. Binigyang-diin niya na mahalagang kasangkapan ang estadistika sa pagsusuri at pag-unawa sa mga datos na nagsisilbing batayan sa paggawa ng mga makabuluhang pagpapasya. Tinalakay rin niya ang konsepto ng 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠𝗦, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagsusuri sa mga suliranin, pagtataya sa sariling kakayahan, at paggamit ng kaalaman at kasanayan sa paglilingkod sa kapwa.
Nakiisa rin sa makabuluhang gawaing ito sina 𝗕𝗯. 𝗞𝗮𝘁𝗵𝗲𝗿𝗶𝗻𝗲 𝗥𝗲𝘇𝗮𝗿𝗲, 𝘏𝘦𝘢𝘥 𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘦𝘳 𝘝𝘐 𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘵𝘩 𝘋𝘦𝘱𝘢𝘳𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵, 𝗚𝗻𝗴. 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗮 𝗦. 𝗧𝘂𝗺𝗯𝗮𝗴𝗮, 𝘏𝘦𝘢𝘥 𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘦𝘳 𝘝𝘐 𝘯𝘨 𝘛𝘓𝘌 𝘋𝘦𝘱𝘢𝘳𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘢𝘵 𝘎𝘳𝘢𝘥𝘦 11 𝘊𝘩𝘢𝘪𝘳𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯, 𝗕𝗯. 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘁𝘁𝗲 𝗖. 𝗧𝗮𝗽𝗼𝗻, 𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘦𝘳 𝘐𝘐𝘐 at 𝗕𝗯. 𝗠𝗮𝘆𝗹𝗲𝗻𝗲 𝗖. 𝗥𝘂𝗳𝗼, 𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘦𝘳 𝘐𝘐, mga adviser ng 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠𝗦. Ang kanilang pakikilahok ay bahagi ng patuloy na pagsuporta sa mga gawaing pang-akademiko at sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral.
Naging makabuluhan ang programa hindi lamang sa pagkilala sa mga nagwagi kundi pati na rin sa pagbibigay-diin sa papel ng estadistika sa pag-unawa sa datos, paglinang ng mapanuring pag-iisip, at pagtataguyod ng inklusibo at napapanatiling kaunlaran.
Binabati ang lahat ng nagwagi at kalahok, gayundin ang mga tagapayo at gurong naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang inyong mga tagumpay upang patuloy na linangin ang talino, talento, at kahusayan ng bawat mag-aaral.


No responses yet