Nagsagawa ng 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗲𝗿𝘀 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝗰𝗿𝗲𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 (𝗟𝗛𝗔𝗦) ang 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗨𝗻𝗶𝘁 (𝗦𝗛𝗡𝗨) ng Schools Division Office (SDO) para sa mga 𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗲𝗿𝘀 ng 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦) bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral.
Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ni 𝗗𝗿𝗮. 𝗠𝗮𝗿𝘆 𝗚𝗿𝗮𝗰𝗲 𝗘. 𝗝𝗮𝘃𝗶𝗲𝗿, 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗜𝗜𝗜, kasama sina 𝗗𝗿𝗮. 𝗞𝗮𝗿𝗶𝘀𝗺𝗮 𝗕. 𝗣𝗲𝗻𝗱𝗼𝗻, 𝗗𝗲𝗻𝘁𝗶𝘀𝘁 𝗜𝗜; 𝗗𝗿𝗮. 𝗠𝗮𝗯𝗲𝗹 𝗣. 𝗔𝗿𝗼, 𝗗𝗲𝗻𝘁𝗶𝘀𝘁 𝗜𝗜; 𝗘𝗹𝗶𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗲 𝗔. 𝗚𝗮𝗹𝗴𝗼, 𝗡𝘂𝗿𝘀𝗲 𝗜𝗜; 𝗬𝗮𝗻𝗮 𝗗. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗻𝘂𝗲𝘃𝗮, 𝗡𝘂𝗿𝘀𝗲 𝗜𝗜; 𝗮𝘁 𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗮 𝗟. 𝗗𝗶𝗺𝗮𝗴,𝗡𝘂𝗿𝘀𝗲 𝗜𝗜. Naging katuwang din sa programa si 𝗔𝗹𝘁𝗵𝗲𝗮 𝗔𝗻𝗻𝗲 𝗗. 𝗚𝗲𝗹𝗮𝗰𝗶𝗼, 𝗡𝘂𝗿𝘀𝗲 𝗜𝗜, ng GFMINHS. Isinagawa ang screening sa suporta at pamumuno ni 𝗗𝗿.𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗜𝗩, bilang bahagi ng adhikain ng paaralan na mapanatili ang maayos na kalusugan at kahandaan sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Layunin ng 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗲𝗿𝘀 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝗰𝗿𝗲𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 (𝗟𝗛𝗔𝗦) na masuri ang pangkalahatang kalusugan ng mga mag-aaral, matukoy ang mga kondisyong medikal at dental na nangangailangan ng agarang atensyon o referral, makapagbigay ng naaangkop na interbensyon at health education, at matiyak na handa ang bawat mag-aaral sa epektibong pagkatuto at aktibong pakikilahok sa mga gawain sa paaralan.
Bahagi ang gawaing ito ng patuloy na pagpapatupad ng 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, na naglalayong pangalagaan ang kalusugan ng bawat mag-aaral bilang pundasyon ng de-kalidad na edukasyon at mas matagumpay na pagkatuto.

