𝗟𝗘𝗔𝗥𝗡𝗘𝗥’𝗦 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗕𝗢𝗢𝗞, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗧𝗜𝗕𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗬𝗨𝗚𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡

Latest Comments

No comments to show.

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng ligtas, maayos, at makabuluhang kapaligiran sa pagkatuto, isinagawa ang 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗹 𝗩𝗲𝘁𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗲𝗿 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗯𝗼𝗼𝗸 sa 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦), noong 𝗢𝗸𝘁𝗼𝗯𝗿𝗲 𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟲.

Nilahukan ang gawaing ito ng mga kinatawan ng mga magulang, 𝘀𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗹𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀 at 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗰𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿, sa pangunguna ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, Principal IV, upang matiyak na ang mga alituntunin, regulasyon, at patakaran ng paaralan ay naaayon sa mga pangangailangan at kapakanan ng mga mag-aaral.

Nakaangkla ang 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗲𝗿 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗯𝗼𝗼𝗸 sa 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿 𝗡𝗼. 𝟬𝟬𝟲, 𝘀. 𝟮𝟬𝟮𝟲, o 𝗚𝘂𝗶𝗱𝗲𝗹𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗼𝗻 𝗘𝗻𝘀𝘂𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗳𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗼𝘁𝗶𝘃𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁, bilang gabay sa pagpapatibay ng mga patakarang nagtataguyod ng kaligtasan, disiplina, paggalang, at positibong ugnayan sa loob ng paaralan.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga stakeholder, patuloy na pinagtitibay ng GFMINHS ang isang ligtas, inklusibo, at nakahihikayat na kapaligiran kung saan ang bawat mag-aaral ay may pagkakataong matuto, umunlad, at magtagumpay.

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *