𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠, 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa literacy at numeracy, sinimulan noong 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼 𝟭𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲 ang implementasyon ng 𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 sa 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦) para sa mga 𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗲𝗿𝘀 mula 𝗕𝗮𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝟳 hanggang 𝟭𝟬.

Pinangungunahan ang implementasyon ng programa ng mga 𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗙𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 na sina 𝗠𝘀. 𝗥𝘂𝗱𝗶𝗹𝘆𝗻 𝗔. 𝗕𝗮𝗹𝗮𝗴𝗼𝘁, 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗜𝗜𝗜, at 𝗠𝘀. 𝗘𝗹𝗲𝗻𝗻𝗵𝗼𝗿 𝗥. 𝗥𝗶𝘃𝗲𝗿𝗮, 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗜𝗜𝗜, katuwang sina 𝗠𝘀. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗰𝗮𝗿 𝗢. 𝗠𝗮𝗿𝗳𝗶𝗹 at 𝗠𝘀. 𝗔𝗶𝗹𝗲𝗲𝗻 𝗦. 𝗧𝗼𝗿𝗿𝗲𝗻𝘁𝗲 bilang 𝗣𝗛𝗜𝗟-𝗜𝗥𝗜 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿𝘀. Nagtutulungan din ang mga guro sa iba’t ibang asignatura at mga kawani ng paaralan upang matiyak ang maayos at epektibong pagpapatupad ng programa.

Sa ilalim ng pamumuno ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗜𝗩, patuloy na isinusulong ng GFMINHS ang mga programang nakatuon sa pagpapalakas ng pundasyong akademiko ng bawat mag-aaral. Sa pamamagitan ng 𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, higit na pinagtitibay ang adhikain ng paaralan na makapagbigay ng dekalidad, inklusibo, at makabuluhang edukasyon para sa lahat.

#ARALProgramImplementation

#LiteracyAndNumeracy

#EveryLearnerMatters

#LearningRecovery

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *