𝗜𝗞𝗔-𝟱 𝗠𝗔𝗡𝗖𝗢𝗠 𝗡𝗚 𝗦𝗗𝗢 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗧𝗥𝗜𝗔𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗔𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦

Latest Comments

No comments to show.

Idinaos sa 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦) ang 𝟱𝘁𝗵 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 (𝗠𝗔𝗡𝗖𝗢𝗠) ng 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗦𝗗𝗢) 𝗼𝗳 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗧𝗿𝗶𝗮𝘀 𝗖𝗶𝘁𝘆 noong 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲, na dinaluhan ng mga school head at pangunahing opisyal ng dibisyon.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga 𝗨𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝗺𝗶𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀 𝗻𝗴 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗠𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗲𝘁𝘄𝗼𝗿𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗨𝗻𝗶𝘁 (𝗦𝗠𝗡𝗨), kasama ang mahahalagang usapin at paalala para sa mga paaralan ng buong dibisyon. Naging pagkakataon din ito para sa mga 𝘴𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭 𝘩𝘦𝘢𝘥 at 𝘥𝘪𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧𝘧𝘪𝘤𝘪𝘢𝘭𝘴 na magbahagi ng mga update at magkaroon ng pagkakahanay sa pagpapatupad ng mga programa at gawain sa mga paaralan.

Dumalo sa nasabing pagpupulong sina 𝘚𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭𝘴 𝘋𝘪𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘚𝘶𝘱𝘦𝘳𝘪𝘯𝘵𝘦𝘯𝘥𝘦𝘯𝘵, 𝗗𝗿. 𝗜𝘃𝗮𝗻 𝗕𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗟. 𝗜𝗻𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝘃𝗼, 𝘊𝘌𝘚𝘖 𝘝𝘐; 𝘈𝘴𝘴𝘪𝘴𝘵𝘢𝘯𝘵 𝘚𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭𝘴 𝘋𝘪𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘚𝘶𝘱𝘦𝘳𝘪𝘯𝘵𝘦𝘯𝘥𝘦𝘯𝘵, 𝗗𝗿. 𝗥𝗼𝗴𝗶𝗻 𝗢. 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝗺𝗽𝗿𝗮𝘁𝗼, 𝘊𝘌𝘚𝘌; 𝗗𝗿. 𝗘𝗱𝘂𝗮𝗿𝗱𝗮 𝗠. 𝗭𝗮𝗽𝗮𝗻𝘁𝗮, 𝘊𝘩𝘪𝘦𝘧 𝘯𝘨 𝘊𝘶𝘳𝘳𝘪𝘤𝘶𝘭𝘶𝘮 𝘐𝘮𝘱𝘭𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘋𝘪𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 (𝘊𝘐𝘋); at 𝗗𝗿. 𝗜𝗻𝗲𝘀 𝗟. 𝗜𝗻𝗼𝗰𝗲𝗻𝗰𝗶𝗼, 𝘊𝘩𝘪𝘦𝘧 𝘯𝘨 𝘚𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭 𝘎𝘰𝘷𝘦𝘳𝘯𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘖𝘱𝘦𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘋𝘪𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 (𝘚𝘎𝘖𝘋), kasama ang mga schol head at iba pang opisyal ng SDO General Trias City.

Sa ilalim ng pamumuno ni 𝘚𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭 𝘗𝘳𝘪𝘯𝘤𝘪𝘱𝘢𝘭 𝘐𝘝, 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, nagsilbing venue ang 𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦 para sa naturang pagpupulong, na nagtipon sa mga pangunahing 𝘦𝘥𝘶𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘭𝘦𝘢𝘥𝘦𝘳𝘴 ng dibisyon para sa talakayan, koordinasyon, at pagbabahagi ng mahahalagang impormasyon.

Naging bahagi ang 𝟱𝘁𝗵 𝗠𝗔𝗡𝗖𝗢𝗠 ng patuloy na koordinasyon ng SDO General Trias City at mga paaralan nito upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga programa, gawain, at iba pang usaping pang-edukasyon sa dibisyon.

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *