Patuloy na isinusulong ng 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦), sa pangunguna ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝘗𝘳𝘪𝘯𝘤𝘪𝘱𝘢𝘭 𝘐𝘝 ang pagpapatatag ng kaligtasan at kahandaan ng paaralan sa pamamagitan ng kanilang pakikilahok ni 𝗚. 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗣𝗮𝘁𝗿𝗶𝗰𝗸 𝗕. 𝗠𝗮𝗷𝗲𝗿𝗮𝗻𝗼, 𝘏𝘦𝘢𝘥 𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘦𝘳 𝘝𝘐 ng 𝘔𝘈𝘗𝘌𝘏 𝘋𝘦𝘱𝘢𝘳𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵, sa 𝗦𝘁𝗿𝗲𝗻𝗴𝘁𝗵𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗦𝗮𝗳𝗲𝘁𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝘀𝗶𝗹𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 na isinagawa noong 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟲–𝟮𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟲, sa 𝗠𝘂𝗹𝘁𝗶-𝗣𝘂𝗿𝗽𝗼𝘀𝗲 𝗛𝗮𝗹𝗹 ng 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗦𝗗𝗢) ng 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗧𝗿𝗶𝗮𝘀 𝗖𝗶𝘁𝘆.
Nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at estratehiya ang mga tagapagsalita na sina 𝗚. 𝗙𝗲𝗹𝗶𝗻𝗼 𝗢. 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗿𝗼 𝗩, 𝘋𝘪𝘳𝘦𝘤𝘵𝘰𝘳 𝘐𝘝 ng 𝘋𝘪𝘴𝘢𝘴𝘵𝘦𝘳 𝘙𝘪𝘴𝘬 𝘙𝘦𝘥𝘶𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘥 𝘔𝘢𝘯𝘢𝘨𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘚𝘦𝘳𝘷𝘪𝘤𝘦 (𝘋𝘙𝘙𝘔𝘚), 𝗚. 𝗢𝗿𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 𝗕. 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗰𝗵𝗶𝗻𝗮, 𝘗𝘳𝘰𝘫𝘦𝘤𝘵 𝘋𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘖𝘧𝘧𝘪𝘤𝘦𝘳 𝘐𝘝 (𝘗𝘋𝘖 𝘐𝘝), at 𝗚. 𝗥𝗶𝘇𝗮𝗹𝗱𝘆 𝗔. 𝗔𝗿𝗮𝗼, 𝘗𝘳𝘰𝘫𝘦𝘤𝘵 𝘋𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘖𝘧𝘧𝘪𝘤𝘦𝘳 𝘐𝘐 (𝘗𝘋𝘖 𝘐𝘐) hinggil sa mahahalagang aspeto ng 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗥𝗥𝗠), 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗹𝗮𝗻𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻, 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲, at 𝗣𝗮𝗴𝗯𝘂𝗼 𝗻𝗴 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗣𝗹𝗮𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗔𝘁𝘁𝗮𝗰𝗸 𝗜𝗻𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁.
Layunin ng pagsasanay na higit na mapalawak ang kakayahan ng mga pinuno at kawani ng paaralan sa paghahanda at pagtugon sa mga sakuna at panganib, gayundin sa pagbuo ng mga konkretong hakbang upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral at kawani.

Sa pamamagitan ng pakikilahok sa pagsasanay na ito, patuloy na pinagtitibay ng GFMINHS ang pangako nitong itaguyod ang isang ligtas, handa, at matatag na kapaligiran sa pagkatuto para sa buong komunidad ng paaralan.


No responses yet