𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗖𝗢𝗡𝗗 𝗧𝗘𝗥𝗠 𝗦𝗣𝗜𝗥𝗣𝗔 𝗦.𝗬. 𝟮𝟬𝟮𝟲–𝟮𝟬𝟮𝟳

Latest Comments

No comments to show.

Tampok na isinagawa sa Governor Ferrer Memorial Integrated National High School noong 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟲 ang 𝗦𝗲𝗰𝗼𝗻𝗱 𝗧𝗲𝗿𝗺 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗜𝗺𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗥𝗲𝘃𝗶𝗲𝘄 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗲𝗿𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗦𝗣𝗜𝗥𝗣𝗔) 𝗳𝗼𝗿 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗬𝗲𝗮𝗿 𝟮𝟬𝟮𝟲–𝟮𝟬𝟮𝟳, na naglalayong masuri ang kalagayan, pagpapatupad, at mga naging resulta ng mga programa at gawain ng paaralan.

Pinangunahan ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝘗𝘳𝘪𝘯𝘤𝘪𝘱𝘢𝘭 𝘐𝘝, ang pagsusuri sa mahahalagang programa at performance indicators ng paaralan, kabilang ang 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗗𝗮𝘀𝗵𝗯𝗼𝗮𝗿𝗱, 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗜𝗺𝗽𝗿𝗼𝘃𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗹𝗮𝗻 (𝗦𝗜𝗣), 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹-𝗕𝗮𝘀𝗲𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗻𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽, 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗹𝗶𝘃𝗲𝗿𝘆, 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗲𝗿 𝗙𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁, at iba pang pangunahing programa at inisyatiba.

Kabilang din sa isinagawang gawain ang 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻, na nilahukan ng mga stakeholder bilang bahagi ng pagpapalakas ng partisipasyon at pakikibahagi ng komunidad sa pamamahala ng paaralan. Tinalakay at nirebisa ang 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗲𝗿’𝘀 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗯𝗼𝗼𝗸, na naglalaman ng mahahalagang usapin, alituntunin, regulasyon, at iba pang patakarang nagsisilbing gabay sa mga mag-aaral.

Aktibo ring mga nakilahok sa SPIRPA ang ilang 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆, 𝘀𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗹𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀, 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗰𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿𝘀, 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴, 𝗮𝘁 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝘀𝘁𝗮𝗸𝗲𝗵𝗼𝗹𝗱𝗲𝗿𝘀, na nagbahagi ng kanilang mga pananaw, puna, at mungkahi para sa patuloy na pagpapabuti ng mga programa at serbisyo ng paaralan.

Sa pamamagitan ng SPIRPA, higit na napagtitibay ang 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻, 𝘁𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗮𝗿𝗲𝗻𝗰𝘆, 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗵𝘂𝘀𝗮𝘆 ng mga programa tungo sa mas mahusay na paghahatid ng serbisyong pang-edukasyon para sa bawat Ferrerian.

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *