Sa kabila ng suspensiyon ng mga klase bunsod ng patuloy na pag-ulan, nagpatuloy ang pagkatuto ng mga Ferrerian ngayong 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔 sa pamamagitan ng iba’t ibang 𝐅𝐥𝐞𝐱𝐢𝐛𝐥𝐞 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐝𝐚𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 na ipinatupad ng 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐅𝐞𝐫𝐫𝐞𝐫 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 (𝐆𝐅𝐌𝐈𝐍𝐇𝐒).

Sa halip na maputol ang pagkatuto, isinagawa ang mga angkop na learning activities at iba pang gawaing pang-akademiko sa pamamagitan ng flexible learning upang matiyak ang learning continuity habang isinasaalang-alang ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani.
Naging mahalaga rin sa pagpapatuloy ng pagkatuto ang pakikipagtulungan ng mga guro, mag-aaral, at magulang, na sama-samang tumugon sa hamon ng sitwasyon upang mapanatili ang tuloy-tuloy na pagkatuto sa kabila ng masamang panahon.
Sa pangunguna ni 𝐃𝐫. 𝐌𝐚𝐫𝐤 𝐀𝐢𝐫𝐨𝐧 𝐏. 𝐂𝐫𝐞𝐮𝐬, Principal IV, patuloy na isinusulong ng GFMINHS ang mga hakbang na nagtataguyod ng ligtas, inklusibo, at dekalidad na edukasyon para sa bawat Ferrerian.
𝐌𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐨, 𝐧𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐡𝐮𝐦𝐢𝐡𝐢𝐧𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐨.



