Ipinagdiwang kahapon, 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟲 sa 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦) ang 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗚𝘂𝗿𝗼, isang espesyal na pagkakataon upang kilalanin at pasalamatan ang mga gurong patuloy na nagbibigay ng oras at malasakit para sa mga mag-aaral.
Mas naging makulay ang pagdiriwang dahil sa mga inihandang sorpresa para sa mga guro ng buong komunidad ng GFMINHS. Tampok dito ang mga palaro na inihanda ng 𝗦𝘂𝗽𝗿𝗲𝗺𝗲 𝗦𝗲𝗰𝗼𝗻𝗱𝗮𝗿𝘆 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗲𝗿 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗦𝗦𝗟𝗚) at ang 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗘𝗺𝗽𝗹𝗼𝘆𝗲𝗲𝘀 𝗖𝗹𝘂𝗯 (𝗧𝗘𝗖), pati na rin ang raffle na naging posible sa tulong ng City Savings, BDO, at TEC.

Nagkaroon din ng salu-salo para sa mga guro sa pangunguna ng SPTA officers at kawani ng paaralan, at bilang dagdag na pasasalamat, naghandog din ang mga kawani ng mga regalo para sa lahat ng guro ng GFMINHS.
Naging bahagi rin ng makabuluhang pagdiriwang ang kabutihang-loob at pakikiisa ng ating mga alumni, ating punong barangay, at mga katuwang mula sa iba’t ibang tanggapan. Taos-pusong pasasalamat kina 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗼 𝗥𝘂𝗲𝗹 𝗢𝗴𝗶𝗲 𝗡𝗼𝗰𝗼𝗻 𝗗𝘂𝗹𝗰𝗲, 𝟭𝟵𝟴𝟯 𝗔𝗹𝘂𝗺𝗻𝘂𝘀; 𝗖𝗮𝗿𝗹 𝗔𝗿𝗰𝘂𝘀𝗮, 𝗔𝗹𝘂𝗺𝗻𝘂𝘀; 𝔞𝔱 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻 𝗦𝗼𝗻𝗻𝘆 𝗦. 𝗗𝘂𝗹𝗰𝗲 sa kanilang mga handog at suporta para sa mga guro.
Lubos din ang pasasalamat ng GFMINHS sa 𝗖𝗦𝗪𝗗 at 𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔, sa pangunguna nina 𝗠𝘀. 𝗥𝗲𝗯𝗲𝗰𝗰𝗮 𝗖. 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗼𝘀𝗼, 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗼𝗳 𝗖𝗦𝗪𝗗, at 𝗠𝘀. 𝗜𝗺𝗲𝗹𝗱𝗮 𝗕𝘂𝗹𝗮𝗻𝗵𝗮𝗴𝘂𝗶 ng TESDA, para sa kanilang donasyon, regalo, at serbisyo sa para sa ating mga guro.
Higit pa sa mga regalo, palaro, pagkain, at munting sorpresa, naging makabuluhan ang pagdiriwang dahil ipinakita nito ang pagpapahalaga ng buong Pamilyang Ferrerian sa mga gurong patuloy na nagbibigay ng kanilang lakas at puso para sa mga mag-aaral.
Hindi magiging matagumpay ang pagdiriwang na ito kung hindi dahil sa pangunguna at suporta ng ating Punongguro, 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, na nagsilbing gabay sa pagbuo ng isang pagdiriwang na tunay na para sa mga guro. Sa sama-samang pagkilos ng buong komunidad ng GFMINHS, naging isang araw ng pasasalamat at pagkakaisa ang Araw ng mga Guro.
Para sa mga gurong laging inuuna ang iba, ngayon, Teacher, ikaw naman!

No responses yet