Puno ng sigla at pagkakaisa ang naging pagdiriwang ng 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮 ngayong araw ng mga mag-aaral mula sa 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗡𝗲𝗲𝗱𝘀 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗦𝗡𝗘𝗗) ng 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦).
Itinampok sa programa ang iba’t ibang aktibidad na nagpapakita ng pagmamahal sa kulturang Pilipino. Nakasuot ang mga mag-aaral ng magagarang Filipiniana at barong tagalog. Pinangunahan din nila ang masiglang pagsasayaw ng katutubong awiting “Ang Pipit.” Nagpasigla sa okasyon ang masayang Palarong Pinoy na tampok ang tradisyonal na hampas-palayok at pabitin, na lubos na ikinatuwa ng lahat. Naging kumpleto ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsasalo-salo sa mga paboritong pagkaing Pilipino gaya ng ginataang bilo-bilo at biko.

Naging matagumpay ang programang ito dahil sa walang-sawang suporta ng ating Punongguro, 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴𝗴𝘂𝗿𝗼 𝗜𝗩, na patuloy na sumusuporta sa mga makabuluhang gawain para sa ating mga mag-aaral, katuwang ang mga dedikadong Gurong Tagapayo ng SNED na sina 𝗚𝗻𝗴. 𝗠𝗮. 𝗠𝗼𝗿𝗲𝗹𝗹𝗮 𝗖. 𝗔𝗯𝘂𝗲𝗴, 𝗦𝗣𝗘𝗧 𝗜 at 𝗚𝗻𝗴. 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗼𝗺 𝗗. 𝗣𝗲𝗿𝗲𝘇, 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗜.
Lubos ding pinasasalamatan ang mga magulang ng SNED sa kanilang bukas-palad na pagbibigay ng mga palaro at pagkaing pinagsaluhan ngayong araw. Ang matagumpay na pagdiriwang na ito ay patunay lamang na sa bawat pusong Pilipino ng mga mag-aaral ng GFMINHS, 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗲𝘀𝗽𝗮𝘀𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗱𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝗸𝗮 𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮.


No responses yet