Isinagawa ngayong ika-07 ng Hulyo 2026 ang 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡-𝘽𝙖𝙨𝙚𝙙 𝙁𝙚𝙚𝙙𝙞𝙣𝙜 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢 (𝙎𝘽𝙁𝙋) 𝙈𝙤𝙣𝙞𝙩𝙤𝙧𝙞𝙣𝙜 sa 𝙂𝙤𝙫𝙚𝙧𝙣𝙤𝙧 𝙁𝙚𝙧𝙧𝙚𝙧 𝙈𝙚𝙢𝙤𝙧𝙞𝙖𝙡 𝙄𝙣𝙩𝙚𝙜𝙧𝙖𝙩𝙚𝙙 𝙉𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙃𝙞𝙜𝙝 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡 (GFMINHS) bilang bahagi ng patuloy na pagsubaybay sa pagpapatupad ng programa at sa pag-unlad ng 𝑛𝑢𝑡𝑟𝑖𝑡𝑖𝑜𝑛𝑎𝑙 𝑠𝑡𝑎𝑡𝑢𝑠 ng mga benepisyaryong mag-aaral.
Layunin nitong matiyak ang epektibong pagpapatupad ng 𝑓𝑒𝑒𝑑𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑜𝑔𝑟𝑎𝑚, masukat ang pagbabago sa timbang at 𝘉𝘰𝘥𝘺 𝘔𝘢𝘴𝘴 𝘐𝘯𝘥𝘦𝘹 (BMI) ng mga mag-aaral, at makapagbigay ng batayan sa patuloy na pagpapabuti ng programa.
Pinangunahan ang programa nina 𝑮𝒏𝒈. 𝑫𝒊𝒗𝒊𝒏𝒂 𝑺. 𝑻𝒖𝒎𝒃𝒂𝒈𝒂, 𝑆𝐵𝐹𝑃 𝐶𝑜𝑜𝑟𝑑𝑖𝑛𝑎𝑡𝑜𝑟, at 𝑮𝒏𝒈. 𝑨𝒍𝒕𝒉𝒆𝒂 𝑨𝒏𝒏𝒆 𝑫. 𝑮𝒆𝒍𝒂𝒄𝒊𝒐, 𝑹𝑵, 𝑆𝐵𝐹𝑃 𝐴𝑙𝑡𝑒𝑟𝑛𝑎𝑡𝑒, sa pakikipagtulungan ng monitoring team na binubuo nina 𝑫𝒓𝒂. 𝑴𝒂𝒓𝒚 𝑮𝒓𝒂𝒄𝒆 𝑬. 𝑱𝒂𝒗𝒊𝒆𝒓, 𝑴𝑫, 𝑴𝑷𝑨, 𝑬𝒍𝒊𝒆𝒍 𝑴𝒂𝒆 𝑨. 𝑮𝒂𝒍𝒈𝒐, 𝑹𝑵, 𝑺𝒂𝒓𝒂𝒉 𝑱𝒂𝒏𝒆 𝑳𝒂𝒈𝒂𝒅𝒂, 𝑻𝒆𝒄𝒉𝒏𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒕 𝑰, at 𝑬𝒍𝒊𝒛𝒂𝒉 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒆 𝑪. 𝑫𝒖𝒒𝒖𝒊𝒂𝒕𝒂𝒏, 𝑹𝑵𝑫, 𝑻𝒆𝒄𝒉𝒏𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒕 𝑰.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ng pamunuan ng GFMINHS, sa ilalim ng pamumuno ni 𝑫𝒓. 𝑴𝒂𝒓𝒌 𝑨𝒊𝒓𝒐𝒏 𝑷. 𝑪𝒓𝒆𝒖𝒔, 𝑃𝑟𝑖𝑛𝑐𝑖𝑝𝑎𝑙 𝐼𝑉, bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan sa paaralan..
Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng SBFP, nananatiling katuwang ang GFMINHS sa pagtataguyod ng isang malusog at masiglang kapaligiran sa pagkatuto para sa bawat mag-aaral.
