Ang 𝐀𝐫𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐂𝐥𝐮𝐛., sa pangunguna ng kanilang club adviser na si 𝐌𝐬. 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐂𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐧𝐚 𝐌𝐚𝐫𝐳𝐨 at co-club adviser na si 𝐌𝐬. 𝐌𝐚𝐝𝐞𝐥𝐚𝐢𝐧𝐞 𝐍𝐨𝐟𝐢𝐞𝐬, ay nagsagawa ng 𝐀𝐏 𝐂𝐥𝐮𝐛 𝐄𝐱𝐡𝐢𝐛𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐆𝐚𝐦𝐞𝐬 ngayong Setyembre 3, 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧 ngayong Agosto.
Bumisita si 𝐃𝐫. 𝐌𝐚𝐫𝐤 𝐀𝐢𝐫𝐨𝐧 𝐏. 𝐂𝐫𝐞𝐮𝐬, Principal IV, sa nasabing exhibit upang ipakita ang kanyang suporta sa gawain. Kaniyang pinuri ang mga malikhaing likhang-gawain ng mga mag-aaral at kinilala ang pagsisikap ng Araling Panlipunan Club sa matagumpay na pagsasagawa ng programa.
Tampok rin sa exhibit ang mga piling 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐤𝐡𝐚𝐢𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐰𝐚𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐁𝐚𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝟕 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝟏𝟐, bilang pagpapamalas ng kanilang talento, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa kasaysayan. Itinampok din ang iba’t ibang 𝐤𝐚𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐢𝐧𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐧𝐚 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐮𝐦𝐮𝐡𝐚𝐲, 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚, 𝐚𝐭 𝐭𝐫𝐚𝐝𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧. Sa pamamagitan ng mga kagamitang ito, higit na nabigyang-buhay ang kasaysayan at nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang mga mag-aaral sa mayamang pamana at pagkakakilanlan ng ating bansa.

Matatandaang nagsagawa ang Kagawaran ng Araling Panlipunan ng 𝐢𝐛𝐚’𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬𝐫𝐨𝐨𝐦-𝐛𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐚𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 na hango sa temang “𝐇𝐢𝐧𝐮𝐛𝐨𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐃𝐢𝐧𝐮𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐀𝐥𝐨𝐧.” Kabilang dito ang “Slogan sa Shell/Papel” (Bookmark Craft) para sa Baitang 7, Jingle Making para sa Baitang 8, “Photo-Essay/Visual Quote” (Isang Larawan, Isang Sanaysay) para sa Baitang 9, “One-Minute Advocacy Vlog” (Soberanya at Kalikasan) para sa Baitang 10, “Collaborative Class Scrapbook” para sa Baitang 11, at “Kasaysayan 101: A Historical Podcast” para sa Baitang 12 bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraan upang higit na maunawaan ang kasalukuyan.
May inihanda rin ang Araling Panlipunan Club na 𝐢𝐛𝐚’𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨 upang higit pang maging masaya at makabuluhan ang pagdiriwang. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na 𝐦𝐚𝐭𝐮𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐲𝐚 𝐡𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐡𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨.


No responses yet