Ating kilalanin ang mga bagong guro ng 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐅𝐞𝐫𝐫𝐞𝐫 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥!
Noong 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫𝐬’ 𝐃𝐚𝐲 ng SDO General Trias, pormal na nanumpa sa kanilang tungkulin ang ating mga bagong guro sa pangunguna ng ating butihing 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐋𝐮𝐢𝐬 𝐀. “𝐉𝐨𝐧-𝐉𝐨𝐧” 𝐅𝐞𝐫𝐫𝐞𝐫, sa harap ng mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan. Ang makabuluhang seremonyang ito ay sinuportahan ng ating Principal IV, 𝐆. 𝐌𝐚𝐫𝐤 𝐀𝐢𝐫𝐨𝐧 𝐏. 𝐂𝐫𝐞𝐮𝐬, bilang pagpapakita ng kanyang tiwala at suporta sa mga bagong kasapi ng ating paaralan.
Sa kanilang pagpasok sa Governor Ferrer Memorial Integrated National High School, sila ay malugod na tinanggap ng Ulong Guro VI ng Kagawaran ng Araling Panlipunan, 𝐆𝐧𝐠. 𝐉𝐨𝐜𝐞𝐥𝐲𝐧 𝐆. 𝐋𝐚𝐱𝐚𝐦𝐚𝐧𝐚, na gumabay sa kanilang panunumpa bilang mga bagong tagapagtaguyod ng asignaturang Araling Panlipunan.

Malugod nating ipinakikilala ang ating mga bagong guro:
𝐁𝐛. 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐥𝐲 𝐃𝐢𝐚𝐧𝐧𝐞 𝐆. 𝐁𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠𝐥𝐚𝐠
𝐆. 𝐉𝐞𝐦𝐮𝐞𝐥 𝐂. 𝐄𝐮𝐠𝐞𝐧𝐢𝐨
𝐁𝐛. 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐡𝐢𝐧𝐞 𝐋. 𝐁𝐚𝐥𝐭𝐚𝐳𝐚𝐫
𝐆. 𝐆𝐥𝐞𝐧𝐧 𝐁. 𝐁𝐚𝐫𝐬𝐚𝐧𝐚𝐬
𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧! Nawa’y maging matagumpay ang inyong paglalakbay bilang mga tagapaghubog ng isipan at pagkatao ng ating mga mag-aaral, at maging 𝐢𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐲𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚, 𝐚𝐭 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧.

No responses yet