๐๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐†๐€๐: ๐๐”๐‘๐“๐”๐‘๐ˆ๐๐† ๐€๐๐ƒ ๐†๐”๐ˆ๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐Ž๐”๐‘ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐…๐Ž๐‘ ๐€ ๐’๐“๐‘๐Ž๐๐†๐„๐‘ ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐

Latest Comments

No comments to show.

Isang umagang puno ng pagkalinga, paggabay, kaalaman, at malasakit ang naging tampok sa ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐…๐ž๐ซ๐ซ๐ž๐ซ ๐Œ๐ž๐ฆ๐จ๐ซ๐ข๐š๐ฅ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ (๐†๐…๐Œ๐ˆ๐๐‡๐’) sa isinagawang programa na may temang, “๐๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐†๐€๐: ๐๐ฎ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐†๐ฎ๐ข๐๐ข๐ง๐  ๐Ž๐ฎ๐ซ ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐š ๐’๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐ ๐ž๐ซ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง” nitong ๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, mula 9:00 hanggang 12:00 ng tanghali sa 3rd Floor ng Administration Building ng paaralan.

Ang programa ay itinaguyod ng ๐‘๐จ๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐‚๐ฅ๐ฎ๐› ๐จ๐Ÿ ๐‚๐š๐ฏ๐ข๐ญ๐ž ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐จ โ€“ ๐‘๐ˆ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ญ ๐Ÿ‘๐Ÿ–๐Ÿ๐ŸŽ, katuwang ang S๐’๐ฎ๐ฉ๐ซ๐ž๐ฆ๐ž ๐’๐ž๐œ๐จ๐ง๐๐š๐ซ๐ฒ ๐‹๐ž๐š๐ซ๐ง๐ž๐ซ ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐ฆ๐ž๐ง๐ญ (๐’๐’๐‹๐†) sa paggabay ng kanilang adviser na si ๐Œ๐ฌ. ๐€๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ง๐๐š ๐ƒ. ๐‹๐š๐ ๐š๐ง๐ณ๐จ, at ang Kagawaran ng Araling Panlipunan sa pangunguna ni ๐†๐ง๐ . ๐‰๐จ๐œ๐ž๐ฅ๐ฒ๐ง ๐‘. ๐‹๐š๐ฑ๐š๐ฆ๐š๐ง๐š. Mainit namang tinanggap ng pamunuan ng paaralan, sa pangunguna ni ๐ƒ๐ซ. ๐Œ๐š๐ซ๐ค ๐€๐ข๐ซ๐จ๐ง ๐. ๐‚๐ซ๐ž๐ฎ๐ฌ, Principal IV, ang mga panauhin, tagapagsalita, at mga kinatawan ng Rotary Club na naglaan ng kanilang panahon at kaalaman para sa mga kabataang Ferrerian.

Bahagi ng programa ang mga makabuluhang talakayan para sa kabataan na ibinahagi ng mga resource speaker na sina ๐€๐ญ๐ญ๐ฒ. ๐‚๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ข๐ง๐ž ๐ƒ๐ž ๐†๐ฎ๐ณ๐ฆ๐š๐ง-๐๐ž๐ซ๐ง๐š๐ซ๐๐จ; ๐๐š๐ฎ๐ฅ ๐‘๐ฒ๐š๐ง ๐˜๐ ๐ซ๐ฎ๐›๐š๐ฒ, Campus Missionary โ€“ General Trias; ๐‡๐ฎ๐ž๐ ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž ๐’๐š๐ฆ ๐‰๐ฎ๐š๐ง, Campus Missionary โ€“ General Trias; at ๐‰๐š๐ง๐ง ๐๐š๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ž ๐˜๐ ๐ซ๐ฎ๐›๐š๐ฒ, Registered Psychometrician. Sa pamamagitan ng kanilang mga mensahe at pagbabahagi, nabigyan ang mga mag-aaral ng mahahalagang kaalaman, pananaw, at inspirasyong makatutulong sa kanilang personal na pag-unlad at sa pagharap sa mga hamon ng pagiging kabataan.

Higit pang naging makabuluhan ang PAGLINGAP sa pagkakaloob ng ๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐„๐˜๐„ ๐‚๐‡๐„๐‚๐Š sa mga mag-aaral sa pangunguna ni ๐ƒ๐ซ. ๐–๐ข๐ฅ๐ฆ๐š ๐๐ข๐ž๐ฏ๐š ng Rotary Club, isang serbisyong nagpapakita na ang tunay na pagkalinga sa kabataan ay hindi lamang nakatuon sa kanilang kaalaman at pagpapahalaga, kundi maging sa kanilang kalusugan at pangkalahatang kapakanan.

Ang PAGLINGAP ay isang patunay na higit na nagiging makabuluhan ang paghubog sa kabataan kapag nagsasanib-puwersa ang paaralan, mga guro, learner leaders, professionals, community partners, at civic organizations para sa iisang layuninโ€”ang makapagpalaki ng kabataang may kaalaman, mabuting pagpapahalaga, malasakit sa kapwa, at kahandaang maging responsableng mamamayan.

Sa bawat kabataang ating kinakalinga, ginagabayan, at binibigyang-lakas, isang mas matatag na kinabukasan para sa ating bayan ang ating sama-samang binubuo.

Maraming salamat, Rotary Club of Cavite Centro โ€“ RI District 3810, sa inyong PAGLINGAP at malasakit sa kabataang Ferrerian!

#PAGLINGAP2026

#RotaryClubOfCaviteCentro

#RIDistrict3810

#YouthEmpowerment

#TatakFERRERIANS

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *