Isinagawa ang 𝗣𝗼𝘀𝘁-𝗢𝗯𝘀𝗲𝗿𝘃𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲 kasama ang mga guro sa 𝗩𝗮𝗹𝘂𝗲𝘀 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗩𝗘) at ang Head Teacher upang talakayin ang mga naging obserbasyon sa pagtuturo, magbahagi ng makabuluhang puna, at tukuyin ang mga paraan upang higit pang mapahusay ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
Sa isinagawang obserbasyon, tinalakay ni 𝗠𝘀. 𝗠𝘆𝗿𝗲𝗻 𝗕. 𝗡𝗮𝘃𝗮𝗿𝗿𝗼, 𝗠𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗜𝗜 ng asignaturang Values Education ang aralin na “𝗣𝗮𝗻𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗺𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻 𝗕𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗻𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗺𝘂𝗺𝘂𝗻𝗼 𝗮𝘁 𝗧𝗮𝗴𝗮𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱,” na sinuri at inobserbahan ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗜𝗩. Binigyang-pansin sa aralin ang kahalagahan ng pagiging responsable sa pagtupad ng tungkulin bilang pinuno at tagasunod, gayundin ang pagpapakita ng tamang pagpapasya, pakikiisa, at pananagutan sa bawat gampanin.

Dumalo rin sa kumperensiya sina 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝗹𝗶𝗲 𝗠. 𝗗𝗲𝗹 𝗠𝘂𝗻𝗱𝗼, 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗜𝗜𝗜; 𝗦𝗶𝗿 𝗘𝘇𝗲𝗾𝘂𝗶𝗲𝗹 𝗝𝗮𝗺𝗲𝘀 𝗔𝗱𝗮, 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗜; 𝗮𝘁 𝗠𝘀. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘀𝗼𝗹 𝗖. 𝗦𝗼𝗺𝗯𝗿𝗲𝗿𝗼, 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗜𝗜𝗜. Naging pagkakataon ang gawaing ito upang makapagbahagi ng mga pananaw, makapagbigay ng konstruktibong puna, at mapalakas ang pagtutulungan tungo sa patuloy na pag-unlad ng mga guro.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagninilay, bukas na talakayan, at patuloy na paglinang ng mga kasanayan, higit na napagtitibay ang pangako ng mga guro na makapaghatid ng de-kalidad na edukasyon at makahubog ng mga mag-aaral na may mabuting asal, pananagutan, at pagpapahalaga.

No responses yet