Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang oryentasyon sa 𝑮𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒐𝒓 𝑭𝒆𝒓𝒓𝒆𝒓 𝑴𝒆𝒎𝒐𝒓𝒊𝒂𝒍 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒈𝒓𝒂𝒕𝒆𝒅 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑯𝒊𝒈𝒉 𝑺𝒄𝒉𝒐𝒐𝒍 (GFMINHS) tungkol sa 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦𝘥 𝘐𝘮𝘱𝘭𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘙𝘶𝘭𝘦𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘙𝘦𝘨𝘶𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 (IRR) ng 𝘼𝙣𝙩𝙞-𝘽𝙪𝙡𝙡𝙮𝙞𝙣𝙜 𝘼𝙘𝙩 𝙤𝙛 𝟐𝟎𝟏𝟑.
Sa pamamagitan ng talakayang ito, mas napalalim ang kaalaman at pag-unawa ng ating mga guro sa mga bagong patakaran at proseso sa pag-iwas at tamang pagtugon sa mga insidente ng 𝘣𝘶𝘭𝘭𝘺𝘪𝘯𝘨. Layunin nitong higit pang mapalakas ang pagpapatupad ng mga programang nagsusulong ng ligtas at maayos kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Naging matagumpay ang gawaing ito sa pamumuno at patuloy na suporta ng ating Punongguro, 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗜𝗩 na walang sawang nagtataguyod ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng bawat mag-aaral.
Sama-sama nating itaguyod ang isang paaralang may malasakit at walang puwang ang bullying.
