Sa isinagawang Flag Ceremony ngayong araw, nagbahagi ang 𝗥𝗲𝗱 𝗖𝗿𝗼𝘀𝘀 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 (𝗥𝗖𝗬𝗖) ng isang video na naglalaman ng mga hakbang at paraan upang makatulong na maibsan ang pananakit ng puson o 𝙢𝙚𝙣𝙨𝙩𝙧𝙪𝙖𝙡 𝙘𝙧𝙖𝙢𝙥𝙨 na tinatawag na 𝙙𝙮𝙨𝙢𝙚𝙣𝙤𝙧𝙧𝙝𝙚𝙖. Layunin nitong magbigay ng dagdag na kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa wastong pangangalaga sa sarili at kalusugan.

Matapos nito, napanood din ng bawat isa ang inihandang video greetings mula sa mga mag-aaral ng GFMINHS para sa mga guro. Sa pamamagitan ng mga mensahe, naipakita ng mga mag-aaral ang kanilang pasasalamat at pagpapahalaga sa mga gurong patuloy na nagsisilbing gabay at inspirasyon sa kanilang pag-aaral.
Sa simpleng bahagi ng Flag Ceremony, muling nabigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan at pagpapahalaga sa mga gurong patuloy na naglilingkod para sa mga mag-aaral.

No responses yet