𝐇𝐄𝐄𝐀𝐃𝐒𝐒𝐒 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐒𝐒𝐌𝐄𝐍𝐓: 𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐊𝐀𝐍𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋

Bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa kapakanan at kabuuang pag-unlad ng mga mag-aaral, nagsagawa ang 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 ng 𝗥𝗮𝗽𝗶𝗱 𝗛𝗼𝗺𝗲 & 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻/𝗘𝗺𝗽𝗹𝗼𝘆𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗘𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴, 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀, 𝗗𝗿𝘂𝗴𝘀, 𝗦𝗲𝘅𝘂𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆, 𝗦𝘂𝗶𝗰𝗶𝗱𝗲/𝗗𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻, 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗳𝗲𝘁𝘆 (𝗛𝗘𝗘𝗔𝗗𝗦𝗦𝗦) 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 noong Hulyo 29, 2026.

Sa pangunguna ng ating punongguro 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗜𝗩 katuwang si 𝗚𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗮 𝗟𝗮𝗻𝗼𝗿𝗶𝗼, 𝗚𝘂𝗶𝗱𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝘂𝗻𝘀𝗲𝗹𝗼𝗿 𝗜𝗜𝗜, isinagawa ang nasabing gawain upang masuri ang iba’t ibang aspeto ng kalagayan ng mga mag-aaral at matukoy ang mga nararapat na suporta para sa kanilang pangkalahatang kapakanan.

Patuloy na isinusulong ng GFMINHS ang isang ligtas, inklusibo, at mapagkalingang kapaligiran kung saan ang kapakanan ng bawat mag-aaral ay nananatiling pangunahing prayoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *