Isinagawa noong 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟭𝟬–𝟭𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲 sa 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗶𝘁 𝗥𝗶𝗱𝗴𝗲 𝗛𝗼𝘁𝗲𝗹, 𝗧𝗮𝗴𝗮𝘆𝘁𝗮𝘆 𝗖𝗶𝘁𝘆 ang capacity-building seminar para sa mga 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗶𝘀𝗰𝗶𝗽𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲, 𝗚𝗿𝗶𝗲𝘃𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲, 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲, 𝗮𝘁 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗲𝗿 𝗙𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿𝘀 (𝗟𝗙𝗢) ng 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦). Layunin ng seminar na higit na mapalalim ang kaalaman at mapalakas ang kakayahan ng mga kalahok sa pagpapatupad ng mga polisiya at proseso para sa isang ligtas at maayos kapaligiran sa paaralan.
Pinangunahan ng punongguro na si 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗜𝗩, ang programa, katuwang ang mga Ulongguro ng bawat kagawaran. Naging mahalaga rin ang suporta ni 𝗚𝗻𝗴. 𝗔𝗿𝗹𝗲𝗻𝗲 𝗠. 𝗛𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗱𝗲𝘇, 𝗣𝗦𝗗𝗦 ng 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝟵, upang maging maayos ang daloy ng pagsasagawa ng seminar.
Sa unang paksa, “𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗚𝗿𝗶𝗲𝘃𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗮𝘁 𝗗𝗢 𝟬𝟬𝟲, 𝘀. 𝟮𝟬𝟮𝟲,” tinalakay ni 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗔𝗮𝗿𝗼𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗵𝗼𝗻𝘆 𝗦. 𝗟𝗮𝗯𝗼𝗿𝗱𝗼, 𝗔𝘁𝘁𝗼𝗿𝗻𝗲𝘆 𝗜𝗜𝗜, ang mahahalagang polisiya at alituntunin kaugnay ng grievance at child protection sa paaralan.

Sinundan ito ng paksa na “𝗗𝘂𝗲 𝗣𝗿𝗼𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗯𝘆 𝘁𝗵𝗲 𝗕𝗼𝗼𝗸: 𝗙𝗼𝗿𝗺𝘀, 𝗟𝗮𝘄, 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗰𝗲𝗱𝘂𝗿𝗲,” na tinalakay ni 𝗚. 𝗠𝗮𝗿𝗰 𝗙. 𝗚𝗲𝗹𝗮𝗰𝗶𝗼, 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗜 𝗮𝘁 𝗟𝗙𝗢 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿. Binigyang-diin dito ang wastong paggamit ng mga form, proseso, at iba pang mahahalagang hakbang sa paghawak ng mga usaping may kaugnayan sa disiplina.
Samantala, tinalakay naman ni 𝗚𝗻𝗴. 𝗦𝗵𝗶𝗿𝗹𝗲𝘆 𝗚. 𝗚𝗮𝗿𝗰𝗶𝗮, 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗜𝗜𝗜–𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼, ang “𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁, 𝗣𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝘁, 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝗱: 𝗦𝘁𝗿𝗲𝗻𝗴𝘁𝗵𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆.” Nakatuon ang talakayan sa kahalagahan ng pag-iwas, pagprotekta, at maagap na pagtugon sa mga usaping may kinalaman sa kapakanan at kaligtasan ng mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng nasabing capacity-building seminar, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong mapalawak ang kanilang kaalaman at higit na maunawaan ang kanilang mga tungkulin sa pagpapanatili ng isang ligtas at learner-friendly na paaralan.

No responses yet