Isinagawa ng 𝑮𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒐𝒓 𝑭𝒆𝒓𝒓𝒆𝒓 𝑴𝒆𝒎𝒐𝒓𝒊𝒂𝒍 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒈𝒓𝒂𝒕𝒆𝒅 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑯𝒊𝒈𝒉 𝑺𝒄𝒉𝒐𝒐𝒍 (GFMINHS) ang 𝙁𝙞𝙧𝙨𝙩 𝙏𝙚𝙧𝙢 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢 𝙄𝙢𝙥𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙍𝙚𝙫𝙞𝙚𝙬 & 𝙋𝙚𝙧𝙛𝙤𝙧𝙢𝙖𝙣𝙘𝙚 𝘼𝙨𝙨𝙚𝙨𝙨𝙢𝙚𝙣𝙩 (𝙎𝙋𝙄𝙍𝙋𝘼) para sa Taong Panuruan 2026–2027 kasama ang mga Program Coordinators. Pinangunahan ito ng Punongguro na si 𝑫𝒓. 𝑴𝒂𝒓𝒌 𝑨𝒊𝒓𝒐𝒏 𝑷. 𝑪𝒓𝒆𝒖𝒔, katuwang ang mga Ulongguro, upang suriin ang implementasyon ng mga programa ng paaralan, talakayin ang naging resulta ng mga ito, at maglatag ng mga hakbang para sa patuloy na pagpapabuti ng mga serbisyo at proseso ng paaralan.

Sa pagpupulong, inihayag din ng punongguro ang planong pagbuo ng opisyal na 𝙂𝙁𝙈𝙄𝙉𝙃𝙎 𝙥𝙤𝙧𝙩𝙖𝙡, isang digital platform na magsisilbing imbakan ng mahahalagang impormasyon ng paaralan. Inaasahang dito ilalathala ang mga programa, anunsyo, at mga aktibidad na naisagawa at isasagawa ng paaralan upang higit pang mapalakas ang organisadong komunikasyon at mas mapadali ang pag-access ng impormasyon ng mga guro, mag-aaral, magulang, at iba pang 𝘴𝘵𝘢𝘬𝘦𝘩𝘰𝘭𝘥𝘦𝘳𝘴.
