Sa isinagawang talakayan sa 𝗛𝗼𝘁𝗲𝗹 𝗖𝗮𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼, 𝗧𝗮𝗴𝗮𝘆𝘁𝗮𝘆 𝗖𝗶𝘁𝘆, ipinaliwanag ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, Principal IV, katuwang ang mga Bids Awards and Committee (BAC) at Technical Working Group (TWG), ang pagpapatupad ng 𝗣𝗼𝗶𝗻𝘁-𝗕𝗮𝘀𝗲𝗱 𝗘𝘃𝗮𝗹𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗶𝗰 para sa pagtukoy ng 𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰𝗮𝗹𝗹𝘆 𝗔𝗱𝘃𝗮𝗻𝘁𝗮𝗴𝗲𝗼𝘂𝘀 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝘃𝗲 𝗕𝗶𝗱 (𝗠𝗘𝗔𝗥𝗕) alinsunod sa 𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼. 𝟭𝟮𝟬𝟬𝟵 𝗼 𝗡𝗲𝘄 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗰𝘂𝗿𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗰𝘁. Binigyang-diin niya na ang pagsusuri sa mga bid ay hindi lamang nakabatay sa presyo, kundi isinasaalang-alang din ang kalidad, tibay, pati na rin ang pagiging angkop sa pangangailangan.
Sa pamamagitan ng sistemang ito, higit na napatitibay ang paggamit ng pondo ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpili ng mga produktong may pinakamahusay na kabuuang halaga at kalidad para sa paaralan.

Patuloy na isinusulong ng GFMINHS ang pagiging tapat, responsable, at de-kalidad na procurement process bilang bahagi ng mabuting pamamahala at mahusay na serbisyo publiko.
