𝐆𝐅𝐌𝐈𝐍𝐇𝐒, 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐏𝐀𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐁𝐔𝐈𝐋𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐈𝐍𝐒𝐓𝐑𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐃𝐄𝐒𝐈𝐆𝐍 𝐀𝐓 𝐋𝐄𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐒𝐎𝐔𝐑𝐂𝐄 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓

Latest Comments

No comments to show.

Isinagawa sa 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦) ang 𝗖𝗮𝗽𝗮𝗰𝗶𝘁𝘆 𝗕𝘂𝗶𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗻 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗿𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗲𝘀𝗶𝗴𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 na naglalayong higit pang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga guro sa pagbuo at pagsusuri ng mga kagamitang pampagkatuto.

Tinalakay ni 𝗠𝘀. 𝗣𝗮𝘂𝗹𝗶𝗻𝗮 𝗦. 𝗖𝗿𝗲𝘀𝗰𝗶𝗻𝗶, 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗜𝗜 mula sa SDO General Trias City, ang 𝗦𝘁𝗮𝗻𝗱𝗮𝗿𝗱𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝗟𝗮𝘆𝗼𝘂𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗙𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁 𝗳𝗼𝗿 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀, kung saan binigyang-diin ang wastong paggamit ng font style at size, maayos na paglalagay ng mga ilustrasyon, at tamang typographical organization upang maging organisado at madaling gamitin ang learning resources.

Samantala, tinalakay ni 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗿𝗮𝗶𝗻𝗲 𝗔. 𝗩𝗼𝗹𝗼𝘀𝗼, 𝗠𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗜𝗜, ang 𝗘𝘃𝗮𝗹𝘂𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱-𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗲𝗱 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀, na nakatuon sa pagsusuri ng nilalaman at kalidad ng mga kagamitang pampagkatuto. Dumalo rin si 𝗚𝗻𝗴. 𝗔𝗿𝗹𝗲𝗻𝗲 𝗠. 𝗛𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗱𝗲𝘇, 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗼𝗿 (𝗣𝗦𝗗𝗦) ng 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝟵, na hinikayat ang mga guro at evaluators na patuloy na bumuo ng mga kagamitang pampagkatutong iniangkop sa pangangailangan at konteksto ng mga mag-aaral na maaaring gamitin sa panahon ng walang pasok at para sa remediation.

Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, patuloy na pinauunlad ng GFMINHS ang kakayahan ng mga guro sa pagbuo ng mga kagamitang pampagkatuto na angkop at tumutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *