Sa diwa ng pagkakaisa at kahusayan sa Araling Panlipunan, matagumpay na isinagawa noong Setyembre 7, 2026 ang Division Festival of Talents: HistoPop 2026–2027 sa Governor Ferrer Memorial Integrated National High School (GFMINHS) bilang punong-abala sa nasabing paligsahan.
Sa pangunguna ng ating Punong Guro IV, Dr. Mark Airon P. Creus, katuwang si Ulong Guro VI, Jocelyn G. Laxamana, at ang buong Kagawaran ng Araling Panlipunan, na nagsilbing Technical Working Group, naging maayos at matagumpay ang pagsasagawa ng paligsahan.
Pinangunahan naman ni Dr. Yolanda DC. Lumanog, Education Program Supervisor sa Araling Panlipunan, ang Palatuntunan ng Pagbubukas, kung saan nagbigay siya ng mensaheng nagbibigay-inspirasyon sa mga kalahok at guro.

Dinaluhan ang programa ng mga kinatawan mula sa mga Elementary School, Junior High School, at Senior High School sa buong Division of General Trias. Nakibahagi sila sa iba’t ibang patimpalak, kabilang ang Kasaysayan at Kultura ng Pilipinas Quiz Bee, PopDev Challenge, at Reason and Resolve.
Layunin ng mga gawaing ito na paunlarin ang kaalaman, kritikal na pag-iisip, at pagmamahal sa kasaysayan at Araling Panlipunan ng mga mag-aaral.
Taos-puso naming pinasasalamatan ang lahat ng nakiisa at nagbigay ng suporta upang maging matagumpay ang makabuluhang gawaing ito.
Pagbati sa lahat ng mga kalahok! Mabuhay ang Governor Ferrer Memorial Integrated National High School at ang Division of General Trias!


No responses yet