Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kahandaan at kaligtasan sa paaralan, matagumpay na isinagawa ng 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦) ngayong 𝗡𝗼𝗯𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟲, ganap na alas-9:00 ng umaga, ang 𝟰𝘁𝗵 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘄𝗶𝗱𝗲 𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝘁𝗮𝗻𝗲𝗼𝘂𝘀 𝗘𝗮𝗿𝘁𝗵𝗾𝘂𝗮𝗸𝗲 𝗗𝗿𝗶𝗹𝗹 (𝗡𝗦𝗘𝗗). Isinagawa ang aktibidad alinsunod sa 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗮𝗻𝗱𝘂𝗺 𝗡𝗼. 𝗢𝗠-𝗢𝗨𝗚𝗢𝗣𝗦-𝟮𝟬𝟮𝟲-𝟬𝟰-𝟬𝟴𝟵𝟯𝟴.
Pinangunahan ang pagsasagawa ng drill ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗜𝗩, katuwang si 𝗚. 𝗣𝗮𝘁𝗿𝗶𝗰𝗸 𝗠𝗮𝗷𝗲𝗿𝗮𝗻𝗼, 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗩𝗜, kasama ang mga guro, kawani, at mag-aaral ng paaralan.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na maisagawa ang mga wastong hakbang na dapat sundin sa oras ng lindol. Patuloy na isinusulong ng GFMINHS ang kahalagahan ng kahandaan at pagtutulungan upang matiyak ang kaligtasan ng buong komunidad ng paaralan.

No responses yet