Isinagawa kahapon, ika- 7 ng Hulyo 2026, ang 𝘾𝙡𝙪𝙨𝙩𝙚𝙧 𝟗 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢 𝙄𝙢𝙥𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙍𝙚𝙫𝙞𝙚𝙬 𝙖𝙣𝙙 𝙋𝙚𝙧𝙛𝙤𝙧𝙢𝙖𝙣𝙘𝙚 𝘼𝙨𝙨𝙚𝙨𝙨𝙢𝙚𝙣𝙩 (CPIRPA) na ginanap sa 𝑮𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒐𝒓 𝑭𝒆𝒓𝒓𝒆𝒓 𝑴𝒆𝒎𝒐𝒓𝒊𝒂𝒍 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒈𝒓𝒂𝒕𝒆𝒅 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑯𝒊𝒈𝒉 𝑺𝒄𝒉𝒐𝒐𝒍 (𝑮𝑭𝑴𝑰𝑵𝑯𝑺). Dinaluhan ito ng mga punongguro ng Cluster 9 upang ilahad ang kalagayan ng kani-kanilang paaralan, suriin ang mga programang naipatupad, at magbahagi ng mga hakbang para sa patuloy na pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon.
Sa presentasyon ng GFMINHS, ibinahagi ni 𝑫𝒓. 𝑴𝒂𝒓𝒌 𝑨𝒊𝒓𝒐𝒏 𝑷. 𝑪𝒓𝒆𝒖𝒔, 𝑷𝒓𝒊𝒏𝒄𝒊𝒑𝒂𝒍 𝑰𝑽, ang kasalukuyang kalagayan ng paaralan, ang mga hamong kinakaharap nito, gayundin ang mga estratehiya at programang nakatakdang ipatupad upang matugunan ang mga suliranin at higit pang mapabuti ang serbisyong naihahatid sa mga mag-aaral at sa komunidad.
Naging mahalagang bahagi ng CPIRPA ang pagbibigay ng mga puna, mungkahi, at rekomendasyon ng mga opisyal ng Schools Division Office sa bawat presentasyon ng mga punongguro. Pinangunahan ito nina 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡𝙨 𝘿𝙞𝙫𝙞𝙨𝙞𝙤𝙣 𝙎𝙪𝙥𝙚𝙧𝙞𝙣𝙩𝙚𝙣𝙙𝙚𝙣𝙩 𝑫𝒓. 𝑰𝒗𝒂𝒏 𝑩𝒓𝒊𝒂𝒏 𝑳. 𝑰𝒏𝒅𝒖𝒄𝒕𝒊𝒗𝒐, 𝘾𝙀𝙎𝙊 𝙑𝙄, 𝘼𝙨𝙨𝙞𝙨𝙩𝙖𝙣𝙩 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡𝙨 𝘿𝙞𝙫𝙞𝙨𝙞𝙤𝙣 𝙎𝙪𝙥𝙚𝙧𝙞𝙣𝙩𝙚𝙣𝙙𝙚𝙣𝙩 𝑫𝒓. 𝑹𝒐𝒈𝒊𝒏 𝑶. 𝑪𝒐𝒏𝒕𝒆𝒎𝒑𝒓𝒂𝒕𝒐, 𝘾𝙀𝙎𝙀, 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡 𝙂𝙤𝙫𝙚𝙧𝙣𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙖𝙣𝙙 𝙊𝙥𝙚𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙨 𝘿𝙞𝙫𝙞𝙨𝙞𝙤𝙣 𝘾𝙝𝙞𝙚𝙛 𝑫𝒓. 𝑰𝒏𝒆𝒔 𝑳. 𝑰𝒏𝒐𝒄𝒆𝒏𝒔𝒊𝒐, at 𝙋𝙪𝙗𝙡𝙞𝙘 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡𝙨 District Supervisor 𝑴𝒔. 𝑨𝒓𝒍𝒆𝒏𝒆 𝑴. 𝑯𝒆𝒓𝒏𝒂𝒏𝒅𝒆𝒛, na nagbigay ng mahahalagang gabay upang higit pang mapalakas ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa bawat paaralan.

Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na pinagtitibay ng Cluster 9 ang kultura ng pakikipagtulungan at sama-samang paghahanap ng mga solusyon upang higit pang mapahusay ang kalidad ng edukasyong naihahatid sa bawat mag-aaral.
