Matagumpay na isinagawa ang 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙂𝙚𝙣𝙙𝙚𝙧-𝘽𝙖𝙨𝙚𝙙 𝙖𝙣𝙙 𝘽𝘾𝙋𝘾 𝙊𝙧𝙞𝙚𝙣𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣/𝘾𝙖𝙥𝙖𝙘𝙞𝙩𝙮 𝘽𝙪𝙞𝙡𝙙𝙞𝙣𝙜 noong Hunyo 22, 2026 sa 𝘼𝙙𝙢𝙞𝙣𝙞𝙨𝙩𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝘽𝙪𝙞𝙡𝙙𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙂𝙤𝙫. 𝙁𝙚𝙧𝙧𝙚𝙧 𝙈𝙚𝙢𝙤𝙧𝙞𝙖𝙡 𝙄𝙣𝙩𝙚𝙜𝙧𝙖𝙩𝙚𝙙 𝙉𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙃𝙞𝙜𝙝 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡 sa pakikipagtulungan ng 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙋𝙞𝙣𝙖𝙜𝙩𝙞𝙥𝙪𝙣𝙖𝙣, 𝘾𝙞𝙩𝙮 𝙤𝙛 𝙂𝙚𝙣𝙚𝙧𝙖𝙡 𝙏𝙧𝙞𝙖𝙨, 𝘾𝙖𝙫𝙞𝙩𝙚.
Ang 𝙂𝙁𝙈𝙄𝙉𝙃𝙎 ay nagsilbing venue ng nasabing programa na pinangunahan ng Barangay Pinagtipunan bilang bahagi ng kanilang adbokasiya para sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng kababaihan at kabataan. Bilang pakikiisa sa mahalagang gawaing ito, dumalo at nakilahok ang mga kinatawan ng paaralan, kabilang ang kinatawan ng 𝙎𝙪𝙥𝙧𝙚𝙢𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙤𝙣𝙙𝙖𝙧𝙮 𝙇𝙚𝙖𝙧𝙣𝙚𝙧 𝙂𝙤𝙫𝙚𝙧𝙣𝙢𝙚𝙣𝙩 (𝙎𝙎𝙇𝙂).
Pinangunahan ang programa ni 𝗛𝗼𝗻. 𝗦𝗼𝗻𝗻𝘆 𝗦. 𝗗𝘂𝗹𝗰𝗲, 𝙋𝙪𝙣𝙤𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 ng Barangay Pinagtipunan, na nagbigay ng kanyang mensahe at pahayag ng layunin. Naghatid din ng mensahe si 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝙋𝙧𝙞𝙣𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙄𝙑 ng GFMINHS.

Tinalakay ni 𝗠𝘀. 𝗟𝗲𝗻𝘆 𝗡. 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇, 𝙇𝘾𝙋𝘾 𝙁𝙤𝙘𝙖𝙡 𝙖𝙩 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙒𝙚𝙡𝙛𝙖𝙧𝙚 𝙊𝙛𝙛𝙞𝙘𝙚𝙧 𝙄𝙑, ang mahahalagang usapin tungkol sa 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝘾𝙤𝙪𝙣𝙘𝙞𝙡 𝙛𝙤𝙧 𝙩𝙝𝙚 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙤𝙛 𝘾𝙝𝙞𝙡𝙙𝙧𝙚𝙣 (𝘽𝘾𝙋𝘾)at ang papel nito sa pangangalaga at pagtataguyod ng kapakanan ng mga bata. Samantala, nagbigay naman ng makabuluhang talakayan si 𝗣𝗦𝗠𝗦 𝗟𝗼𝘃𝗲 𝗚𝗼𝗻𝘇𝗮𝗹𝗲𝘀 ukol sa 𝙂𝙚𝙣𝙙𝙚𝙧-𝘽𝙖𝙨𝙚𝙙 𝙊𝙧𝙞𝙚𝙣𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣, kabilang ang mga usapin sa 𝙑𝙞𝙤𝙡𝙚𝙣𝙘𝙚 𝘼𝙜𝙖𝙞𝙣𝙨𝙩 𝙒𝙤𝙢𝙚𝙣 𝙖𝙣𝙙 𝘾𝙝𝙞𝙡𝙙𝙧𝙚𝙣 (𝙑𝘼𝙒𝘾)at 𝙂𝙚𝙣𝙙𝙚𝙧 𝙖𝙣𝙙 𝘿𝙚𝙫𝙚𝙡𝙤𝙥𝙢𝙚𝙣𝙩 (𝙂𝘼𝘿).
Ang nasabing gawain ay naglalayong palawakin ang kaalaman at kamalayan ng mga kalahok hinggil sa pagtataguyod ng karapatan, proteksyon, at kapakanan ng kababaihan at kabataan, gayundin ang pagpapatibay ng sama-samang pagkilos ng komunidad para sa isang ligtas at inklusibong kapaligiran.
Lubos na pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng kanilang oras at kaalaman upang maging matagumpay ang gawaing ito.
