Isang Hakbang Tungo sa Ligtas at Disiplinadong Paaralan

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng ligtas at maayos na kapaligiran sa paaralan, nagsagawa kahapon ang 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐅𝐞𝐫𝐫𝐞𝐫 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 (GFMINHS) ng 𝑟𝑎𝑛𝑑𝑜𝑚 𝑏𝑎𝑔 𝑐ℎ𝑒𝑐𝑘𝑖𝑛𝑔 para sa mga mag-aaral.

Ang gawaing ito ay isinagawa upang higit na masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng buong komunidad ng paaralan. Naging matagumpay ang aktibidad na ito sa pangunguna ng ating punongguro, 𝘿𝙧. 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝘼𝙞𝙧𝙤𝙣 𝙋. 𝘾𝙧𝙚𝙪𝙨, 𝙋𝙧𝙞𝙣𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙄𝙑, bilang bahagi ng kanyang patuloy na adbokasiya para sa maayos na pagkatuto at proteksiyon ng bawat mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *