Nagsagawa ngayong araw ang 𝑺𝒑𝒆𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑵𝒆𝒆𝒅𝒔 𝑬𝒅𝒖𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 (𝑺𝑵𝑬𝑫) 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎 ng isang oryentasyon sa 𝑮𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒐𝒓 𝑭𝒆𝒓𝒓𝒆𝒓 𝑴𝒆𝒎𝒐𝒓𝒊𝒂𝒍 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒈𝒓𝒂𝒕𝒆𝒅 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑯𝒊𝒈𝒉 𝑺𝒄𝒉𝒐𝒐𝒍 (GFMINHS) para sa mga magulang at mag-aaral bilang paghahanda sa pagpapatupad ng mga pagbabago sa sistema ng pagkatuto sa paaralan. Pinangunahan ang nasabing gawain ni 𝘽𝙗. 𝙈𝙖. 𝙈𝙤𝙧𝙚𝙡𝙡𝙖 𝘾. 𝘼𝙗𝙪𝙚𝙜, 𝙎𝙋𝙀𝙏 𝙄, na nagbigay ng mahahalagang impormasyon at gabay kaugnay ng programang SNED.

Tinalakay ang bagong 𝘵𝘩𝘳𝘦𝘦-𝘵𝘦𝘳𝘮 𝘴𝘺𝘴𝘵𝘦𝘮 at ang mahahalagang bahagi nito, kabilang ang 𝘖𝘱𝘦𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘉𝘭𝘰𝘤𝘬, 𝘐𝘯𝘴𝘵𝘳𝘶𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘉𝘭𝘰𝘤𝘬, 𝘢𝘵 𝘌𝘯𝘥 𝘰𝘧 𝘛𝘦𝘳𝘮 𝘉𝘭𝘰𝘤𝘬. Ipinaliwanag din ang layunin at kahalagahan ng bawat yugto upang higit na maunawaan ng mga magulang at mag-aaral ang magiging daloy ng pag-aaral.
Naging matagumpay ang programa sa tulong at suporta ng punongguro ng paaralan na si 𝘿𝙧. 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝘼𝙞𝙧𝙤𝙣 𝙋. 𝘾𝙧𝙚𝙪𝙨, 𝙋𝙧𝙞𝙣𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙄𝙑, na patuloy na nangunguna sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon.
