𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗧𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗨𝗠𝗜𝗡, 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗖𝗬𝗖𝗟𝗜𝗡𝗚

Latest Comments

No comments to show.

Bilang bahagi ng pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan, nakatanggap ang 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦) ng programa para sa pangongolekta at 𝘸𝘢𝘴𝘵𝘦 𝘳𝘦𝘤𝘰𝘷𝘦𝘳𝘺 ng mga nagamit na 𝘣𝘦𝘷𝘦𝘳𝘢𝘨𝘦 𝘤𝘢𝘳𝘵𝘰𝘯𝘴 sa pakikipagtulungan ng 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱 𝗦𝗗𝗢 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗧𝗿𝗶𝗮𝘀, 𝗚𝗡𝗦 𝗘𝗻𝘁𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘀𝗲𝘀, at 𝗧𝗲𝘁𝗿𝗮 𝗣𝗮𝗸 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀.

Sa pamamagitan ng programang ito, isusulong sa paaralan ang wastong paghihiwalay, paghahanda, at pangongolekta ng mga tuyong karton ng inumin, gaya ng mga kahon ng juice, upang maihatid ang mga ito sa tamang proseso ng pagre-recycle.

Bukod sa pagbabawas ng basurang napupunta sa tambakan, nagbibigay rin ang programa ng pagkakataon sa paaralan na kumita ng karagdagang pondo mula sa mga nakolektang karton na bibilhin ng katuwang na 𝘫𝘶𝘯𝘬𝘴𝘩𝘰𝘱 sa halagang ₱4 kada kilo. Makatutulong din ito sa mga pagsisikap ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗖𝗘𝗡𝗥𝗢) na mapabuti ang 𝘸𝘢𝘴𝘵𝘦 𝘳𝘦𝘤𝘰𝘷𝘦𝘳𝘺 at mabawasan ang mga basurang hindi na nagagamit.

Sa pamumuno ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, Principal IV, patuloy na hinihikayat ang buong komunidad ng GFMINHS na makiisa sa mga programang nagtataguyod ng kalinisan, disiplina, at pangangalaga sa kapaligiran.

Bawat kartong maayos na naihihiwalay ay ambag sa mas malinis at mas napapanatiling kinabukasan.

No responses yet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *