Pinangunahan ng 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 ang isinagawang flag ceremony sa 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦) ngayong 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟭𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟲, na sinabayan ng pagkilala sa mga mag-aaral at tagapagsanay na nagkamit ng panalo sa mga patimpalak sa 𝗥𝗼𝗯𝗼𝘁𝗶𝗰𝘀 𝗮𝘁 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝗼𝗳 𝗧𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗙𝗢𝗧).
Binigyang-pagkilala sa seremonya ang mga mag-aaral at coach na nagpakita ng husay, dedikasyon, at pagsisikap sa kani-kanilang larangan, na nagbigay ng karangalan sa paaralan.
Samantala, binigyang-diin ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝘗𝘳𝘪𝘯𝘤𝘪𝘱𝘢𝘭 𝘐𝘝 ang kahalagahan ng pangalan bilang bahagi ng pagkakakilanlan at reputasyon ng isang tao.
Ayon kay Dr. Creus, hindi lamang sariling pangalan ang dala ng mga mag-aaral sa tuwing sila ay kumakatawan sa paaralan sa mga patimpalak at iba pang gawain, kundi maging ang pangalan ng 𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦.
Binigyang-diin din niya na ang magandang pangalan ay pinaghihirapan at dapat pangalagaan sa pamamagitan ng mabuting pagkatao, respeto, at pagmamahal sa paaralan.

“𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝘆 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗲𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗽𝘄𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻,” ani Dr. Creus.
Sa pamamagitan ng nasabing pagkilala, binigyang-halaga ng paaralan ang pagsisikap ng mga Ferrerian at kanilang mga tagapagsanay sa pagdadala ng pangalan ng GFMINHS sa iba’t ibang patimpalak.


No responses yet