𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐍, 𝐃𝐈𝐒𝐈𝐏𝐋𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐓𝐈𝐁𝐀𝐘

Naging makabuluhan ang isinagawang 𝗙𝗹𝗮𝗴 𝗖𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 ngayong umaga sa 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗚𝗙𝗠𝗜𝗡𝗛𝗦) sa pagbibigay-pugay sa mga mag-aaral na matagumpay na kumatawan at nagkamit ng karangalan sa 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗱𝘃𝗼𝗰𝗮𝗰𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝘆 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗨𝗽𝘀𝗸𝗶𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 (𝗦𝗖𝗔𝗟𝗘𝗨𝗣) 𝗗𝗢𝗦𝗧-𝗦𝗧𝗜𝗜, gayundin sa mga nagwagi sa 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗹𝘀.

Bilang bahagi rin ng programa, nagbahagi ang 𝗥𝗲𝗱 𝗖𝗿𝗼𝘀𝘀 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 (𝗥𝗖𝗬𝗖) ng isang maikling video tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na tulog. Sa pamamagitan nito, naipaalala sa mga mag-aaral na ang wastong pahinga ay mahalagang susi sa mas malinaw na pag-iisip.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔𝗶𝗿𝗼𝗻 𝗣. 𝗖𝗿𝗲𝘂𝘀, 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗜𝗩, ang mga mag-aaral na maging matalino sa pagpili ng kanilang mga laban. Piliin ang mga laban na magdadala sa tagumpay at mabuting kinabukasan, hindi sa alitan o pananakit ng kapwa. Binigyang-diin din niya na patuloy na paiiralin ng paaralan ang disiplina at hindi kukunsintihin ang sinumang lalabag sa mga alituntunin ng paaralan.

Muli, binabati natin ang lahat ng mga pinarangalang mag-aaral. Nawa’y magsilbi silang inspirasyon sa buong komunidad ng GFMINHS na patuloy na magsumikap, maging disiplinado, at isabuhay ang mga pagpapahalagang magdadala sa bawat isa tungo sa tagumpay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *